Advertisers
NANINDIGAN si Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves na hindi siya uuwi ng Pilipinas kahit pa hindi aprubahan ang hirit niyang dalawang buwan na ‘absence of leave’ sa Kamara.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, may “very reliable information” na natanggap ni Teves hinggil sa posibleng kahinatnan niya pagbalik ng bansa.
Nagpasalamat naman ang kampo ni Teves sa assurance na ibinigay ni House Speaker Martin Romualdez para sa kanyang seguridad.
Pero hihintayin muna aniya ng kongresista na humupa ang mga banta sa kanyang kaligtasan bago umuwi sa bansa.
Nitong Biyernes, nagpaliwanag sa House Committee on Ethics ang kampo ni Teves hinggil sa hindi nito pag-uwi sa bansa sa kabila ng napaso niyang travel authority noon pang Marso 9.
Itinakda sa Marso 22 ang pagdinig sa mga kasong kinakaharap ni Teves kaugnay ng nasamsam na mga baril, bala at pampasabog sa raid ng PNP CIDG sa mga bahay niya sa Negros Oriental.