Advertisers

Advertisers

Babaha ng 145 pelikula sa Pista ng Pelikulang Pilipino

0 290

Advertisers

Ni BENNY ANDAYA

ISANG malaking pagtitipon ng samu’t saring pelikula ang ika-4 na edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magpapalabas ng hindi bababa sa 145 na pelikula — 67 na full-length films at 78 na short films.

Bilang organizer ng PPP, inaanyayahan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang lahat ng stakeholders na magsama-sama at magkaisa para sa industriya ng pelikula. Ang “Sama All!” na slogan, na tampok sa PPP4 poster, ay imbitasyon ng FDCP para sa PPP4 na gaganapin mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 15.



Ang key elements sa poster ay kumakatawan sa mga pelikulang kasama sa 14 na sections ng online festival: PPP Short Films, Romance, Youth & Family, Classics, PH Oscar Entries, Genre, Bahaghari, Tribute, From the Regions, Documentaries, PPP Retro, Special Screenings, CineMarya, at PPP Premium Selection.

Ang 10 Premium Selection titles



Mga pelikulang hindi pa napapalabas sa mga Pilipinong manonood o nagkaroon lamang ng limited release sa bansa ang kasama sa Premium Selection section. Tampok sa Premium Selection ang “Ang Lakaran ni Kabunyan: Kabunyan’s Journey to Liwanag” ni National Artist for Film Kidlat Tahimik.

Kasama rin ang dalawang classic ‘80s films: “Batch ‘81” ni Mike de Leon, na executive producer ang yumaong si Marichu Vera-Perez Maceda at bidang aktor naman ang namayapang si Mark Gil, at ang restored version ng “Brutal” ng yumaong si Marilou Diaz-Abaya mula sa Philippine Film Archive ng FDCP.



Sina Amy Austria, Charo Santos-Concio, at Gina Alajar ang mga artista sa “Brutal” kasama ang mga namayapang sina Johnny Delgado at Jay Ilagan.

Ang “The Helper” ni Joanna Bowers ay documentary tungkol sa Filipino at Indonesian domestic workers sa Hong Kong habang ang “Itoshi No Irene (Come On, Irene)” ni Keisuke Yoshida ay live action manga series adaptation na pinagbidahan nina Ken Yasuda and Nats Sitoy. Nagkaroon ito ng international premiere sa 2018 Busan International Film Festival.

Kasama rin ang “Cleaners” ni Glenn Barit na Best Film sa Asian New Wave Competition ng 2019 QCinema International Film Festival at ang “Blood Hunters: Rise of the Hybrids” ni Vincent Soberano. Ang Best Action Film at Best Martial Arts Film sa 2019 Urban Action Showcase International Action Film Festival ay pinagbidahan nina Soberano, Sarah Chang, Roxanne Barcelo, at Monsour del Rosario.

Tatlong entries sa 2020 Sinag Maynila Film Festival ay kasama rin sa Premium Selection: “He Who Is Without Sin” ni Jason Paul Laxamana na pinagbidahan nina Elijah Canlas at Enzo Pineda, “Kintsugi” ni Lawrence Fajardo na pinagbidahan nina JC Santos at Hiro Nishiuchi, at “The Highest Peak” ni Arbi Barbarona na pinagbidahan nina Dax Alejandro at Mara Lopez.

CineMarya para sa women empowerment

Ang isa pang espesyal na PPP4 section ay magsisilbing premiere ng final 12 short films ng CineMarya Women’s Film Festival na inisyatibo ng FDCP na may pakikipagtulungan sa Philippine Commission on Women (PCW), Quezon City Film Development Council, at Department of the Interior and Local Government (DILG). Nais ng CineMarya na makagawa ng women-centered short films ang Filipino filmmakers para ma-empower ang kababaihan, pati na rin ang kalalakihan, na itaguyod ang gender sensitization.

Ang Luzon finalists ay “Daadaan Na (Her Walks)” ni Julius Lumiqued, “Super-Able” ni Arjanmar Rebeta, “Night Shift” ni Mariel Ong, at “Dalaginding na si Isang” ni Nigel Santos habang ang mula sa National Capital Region (NCR) ay “Noontime Drama ” nina Kim Timan at Sam Villa-Real, “She’s Perfect” ni Jochelle Casilad, “Hakab” ni Mel Aguilar-Maestro, at “Super Woman” ni Angela Andres.

“Winged Dreams to the Blue Heavens” ni Aimee Apostol-Escasa at “Binakol sa Dahon” ni Gary Tabanera ay mula sa Visayas habang ang “Ola” ni Mijan Jumalon at “Adira” by Jorzheema Hamid ay mula sa Mindanao.

Ang bawat isa sa 12 na finalists ay nakatanggap ng seed money na may halagang PHP 100,000 at  sumailalim sila sa mentorship sa Cinemarya Film Lab & Pitch noong Oktubre 2018, Cinemarya Story Development Lab noong Disyembre 2018, at Cinemarya Editing Lab noong Pebrero.

Maliban sa pagkakaroon ng sariling PPP4 section, magkakaroon din ang CineMarya ng events tulad ng talkback at panel sessions. Ang CineMarya Awarding Ceremony sa Nobyembre ay magbibigay ng mga sumusunod na parangal na may kasamang cash prize: Best Film, Best Director, Jury’s Choice, Best Screenplay, at ibang special awards.

Isang grand showcase ng Philippine short films

Sa PPP Short Films mapapanood ang 66 na libreng pelikula mula sa Sine Kabataan Short Film Competition ng FDCP at 21 na regional film festivals. Ang Sine Kabataan past entries ay “Sa Unang Araw ng Pasukan” ni Arjen Manlapig, “Bato Ba” at iba pa.