Advertisers

Advertisers

3 NAGMASAKER SA 4 MIEMBRO NG PAMILYA TIMBOG, MGA MILF

0 339

Advertisers

NADAKIP na ang tatlong pumatay sa apat na miyembro ng isang pamilya at pagkakasugat ng 4 iba pa sa Pikit, North Cotabato.

Kinilala ang mga salarin na sina Abdul Amer Mamalo, 29; Nasser Noh Ali, 30; at Salahudin Nando Noh, 21;  pawang  miyembro ng MILF 118th base command ng Sitio      Kadingilan, Barangay Lagunde, Pikit.

Ayon kay Capt. Mautin Pangzndigan, Pikit Police Chief, naaresto ang mga salarin sa  follow up operation sa Brgy. Lagunde.



Ang mga inaresto ang itinuturo ng isa sa apat na mga su-gatang biktima na may kagagawan ng pamamaril.

Sa report, alitan sa isa sa mga kamag-anak ng mga  biktima ang motibo ng pamamaril.

Magugunita na pinagbabaril ang mga biktima habang nagpapanghinga sa kanilang bahay sa Sitio Tugunan, Barangay Lagunde nitong nakaraang Bi-yernes. Nasawi noon din sina Sittie Alipolo Abdullah, 58; Zenaida Abdullah Mustapha, 36; Laga Abdullah 34; at 3-anyos batang babae. At sugatan sina  Asria Abdulrajak Abdullah, 30; at tatlong batang may edad  7, 8 at 13-anyos na nila-lapatan pa ng lunas sa pagamutan.

Inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga salarin. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">