Advertisers

Advertisers

Dating pulis at chief security sa kompanya ni Teves malaki ang papel sa pagpatay kay Gov. Degamo

0 170

Advertisers

INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na malaki ang naging papel ng isang dating pulis at chief security ng HDJ Agri-ventures Corp. sa pagpatay kay Governor Negros Oriental Roel Degamo at walong sibilyan.

Ayon kay Colonel Jean Fajardo, PNP spokesperson, malaki ang naging partisipasyon ni Nigel Electona na inaresto ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nang masamsam ang iba’t ibang mga armas sa isinagawang raid sa HDJ Agri-ventures Corp. na ang presidente ay si ex-Gov. Pryde Henry Alipit Teves sa Brgy. Caranoche, Sta. Catalina, Negros Oriental.

“Si Nigel Electona, kung matatandaan kasama siya doon sa 3 nahuli nung inimplementa ‘yung SW sa loob ng compound. Siya ang tumatayo na chief security ng HDJ compound, base doon sa report na ibinigay ng SITG PRO 7. Ito si Nigel Electona malaki ang naging partisipasyon sa pag-ambush o pagpatay kay Gov. Degamo dahil may mga narekober doon sa kanyang bahay na pictures ni Gov. Degamo at kanyang pamilya pati ‘yung sketch nung mga mapa, pati po ‘yung ruta papunta doon sa bahay ni Gov. Degamo,” sabi ni Fajardo.

Sinabi ni Fajardo na naniniwala ang SITG na nagamit ito during the planning stage bago isinagawa ang pagpatay kay Gov. Degamo.

Base parin sa SITG PRO 7, si Nigel ay kasama sa mga pagplano. Nandun siya sa briefing at kasama rin siya at isa sa mga tumulong doon sa gunmen na may actual participation sa pagpatay kay Degamo sa isinagawang casing at surveillance bago patayin ang gobernador.

Aniya, maraming dapat na ipaliwanag si Pryde Teves dahil sa lumalabas na impormasyon lalo na ‘yung nahukay na mga IED, matataas na kalibre ng baril na ang isang ordinaryong tao ay hindi puwedeng magdala ng mga ganito kalalakas na pampasabog at yung chief security ng HDJ ay lumalabas na may kinalaman at may malaking participation sa pagpatay kay Gov. Degamo.

“Malaki ang dapat ipaliwanag ni ex Gov. Pryde Henry Teves at kagaya ng pangako ng ating SILG pati ng Chief PNP na bibigyan naman sila ng pagkakataon na sasagutin itong mga isasampang reklamo sa kanila. We will observe due process, entitled sila diyan pero kagaya ng hiling ng SILG na mas magandang harapin nila ito hindi lamang kay Pryde Teves kungdi pati kay Cong. Arnie Teves dahil one way or the another they have to face the music,” pahayag ni Fajardo.

Isinaad ni Fajardo na meron ng ibang detalyeng naibigay si Electona na mas makakatulong para magkaroon ng mas “clearer picture kung ano ba nangyari before, during at after the incident involving the death of Gov. Degamo at in the coming days mailalatag ‘yung buong picture kung paano naisagawa dahil meron tayong 10 suspects na may actual and direct participation sa naging pagpatay kay Gov. Degamo.”

Nabatid na si Electona ang dating pulis na nakatalaga sa Dumaguete City Police Station at naaresto noong 2016 sa kasong drug use at possession, at nasibak sa serbisyo noong 2017 at nagtrabaho sa mga Teves. (Mark Obleada)