Advertisers

Advertisers

‘PUGANTE NA SI TEVES!’

0 194

Advertisers

ITINUTURING ng Department of Justice (DOJ) na isa nang pugante si Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. kahit wala pang iniisyu na ‘warrant of arrest’ ang korte.

Ito ang sagot ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa pahayag ng abugado ni Teves na hindi masasabing pugante sa batas ang kaniyang kliyente dahil wala pang inilalabas na arrest order laban sa mambabatas.

Ayon kay Remulla, ang isang suspek sa krimen na nagtatago ay maituturing na pugante.



Malinaw, aniya, na ang patuloy na hindi pagharap ni Teves sa mga akusasyon laban sa kaniya ay ang pag-iwas sa batas.

Ipinaliwanag ni Remulla na wala pang inilalabas na arrest order laban kay Teves dahil sa sinusunod na ‘due process’.



Iginagalang, aniya, ng DOJ ang batas sa due process kahit nagmimistulang mabagal ang usad ng kaso.

Sinabi rin ng kalihim na hindi basta maaaresto ang isang suspek dahil kailangan ibigay rito ang karapatan na idepensa ang sarili sa korte.



Nakatakdang isampa ang patung-patong na reklamo laban kay Teves ngayong linggo, sabi ni Remulla.

Ito’y kaugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at walo pang sibilyan sa tahanan ng gobernador sa bayan ng Pamplona noong Marso 4, 2024.
Si Teves ay “nagpapagamot” sa Estados Unidos nang paslangin si Degamo. Pero wala na umano ito ngayon sa Amerika. Sinasabing ito’y nasa Cambodia na.