Advertisers

Advertisers

Kathryn atat nang makasama sa movie ang international actress na si Dolly

0 174

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

INANUNSYO ni Kathryn Bernardo sa ABS CBN Star Cinema YouTube noong Lunes, na gagawa siya ng pelikula kasama ang internationally acclaimed actress na si Dolly de Leon. Ang title ng pelikula ay A Very Good Girl mula sa Star Cinema. Isa itong dark-comedy film na pamamahalaan ni Direk Petersen Vargas.
Sabi ni Kathryn,”My first project with Star Cinema, this will be happening this year.
“We will start filming this 2023 very, very soon… the final title for my movie this 2023 is A Very Good Girl under Star Cinema.
“It’s such an honor because I will be working, she agreed to work with me, with the one and only Ms. Dolly de Leon.”
Hindi ito ang unang pagkakataon na magkakatrabaho sina Kathryn at Dolly. Ayon sa ka-loveteam at girlfriend ni Daniel Padilla, nagkasama na sila noon ni Dolly sa isang proyekto ngunit matagal na itong panahon kaya naman ngayon ay mas excited siyang makita at muli itong makatrabaho.
Aniya, “For sure, marami akong matututunan sa kanya.
“I can’t wait to meet her again. Kasi sabi niya pala na nagkasama na kami years ago when I was younger before pa.
“But that was very short lang.”
“Now, I am looking forward na mas makatrabaho siya nang matagal at mas makilala siya.
“What a great honor na gumawa at mabigyan niya ako ng oras,” masayang sabi pa ni Kathryn.
Si Direk Petersen ay first time namang makaktrabaho ni Kathryn. Siya mismo ang pumili rito para magdirek ng pelikulang pagbibidahan nila ni Dolly.
“I personally picked him because I see so much potential in him.
“I’ve seen so many of his projects and I just feel like noong sinabi ko na siya yung napili ko na final when I called our producer, parang feeling ko it felt right.
“I feel he’s the perfect director to guide me in this movie.
“I’m really excited na makatrabaho siya for the first time.”
***
ANDREA NAGPALIWANAG SA PROMPOSAL SA DYOWANG SI RICCI
SINAGOT ni Andrea Brillantes ang isang basher na tila sinita siya sa kanyang promposal kay Ricci.
Naganap ang promposal ni Andrea kay Ricci sa mismong concert ng K-pop group na BLACKPINK na ginanap sa Philippine Arena noong Linggo ng gabi.
Binasa nina Rosé at Lisa, dalawang miyembro ng BLACKPINK ang nakasulat sa placard: “I just wanna ask Ricci Rivero, will you go to prom with Andrea?”
Komento ng basher, “Baliktad na pla ngayon panahon. Babae na nagyaya [lauging emoji]”
Ipinaliwanag ni Andrea kung bakit siya ang nagyaya sa boyfriend na si Ricci na maging ka-date sa Star Magical Prom sa March 30, 2023.
Paliwanag niya, “It’s for #StarMagicalProm so yes, ako po talaga dapat dahil ako po yung artist ng Star Magic [smiling emoji]”
Dagdag pa ng Kapamilya star, panahon na rin upang ihinto ang pamamahiya sa mga babaeng gumagawa ng first move sa lahat ng bagay, gaya nga ng promposal.
Sabi ni Andrea: “Also, it’s high time we stop shaming girls for making the first move even on other instances [raising both hands in celebration emoji].”