Advertisers

Advertisers

ANDREA ‘GINAMIT’ ANG BLACKPINK PARA MAGING PROM DATE ANG SYOTANG SI RICCI

0 191

Advertisers

Ni BETH GELENA

KANYA-kanya talagang paandar ang Star Magic artists kung paanong engganyo ang gagawin para sa kanilang prom date.
SI Andrea Brillantes, ang naisip na paraan kung paano susuyuin ang boyfriend na si Ricci Rivero para maging prom date ay ang magdala ng banner sa concert ng K-pop band girls na Black Pink.
Trending ang ginawa ng young actress dahil napansin nina Lisa at Rose ang banner na itinaas niya kung saan humihingi siya ng tulong sa grupo na basahin ang nakasulat sa Korean word.
Binasa naman ng Black Pink ang nasa banner.
Matapos nilang basahin ang promposal na nakasulat sa banner ay umoo agad si Ricci
Tuwang tuwa ang Black Pink dahil mission accomplished sila.
Nakatakdang ganapin ang kauna-unahang Star Magic prom ngayong ika-30 ng Marso.
Hindi maitago ni Andrea ang kasiyahan nang mapansin siya ng kanyang idolo na Black Pink
Natuwa ang miyembro ng Black Pink nang makitang umoo si Ricci sa proposal ng girlfriend
Binati pa ng Black Pink ang dalawa.
***
BAYANI NANGHIHINAYANG SA TROPANG LOL
NAGSALITA na ang isa sa host ng Tropang LOL na si Bayani Agbayani hinggil sa isyu ng kanilang programa.
Ayon kay Bayani, “Para sa akin, nakakahinayang dahil sa maiksing panahon ng Tropang LOL, maayos naman ang rating namin. Pero siyempre, dapat din nating igalang ang desisyon ng network, dahil bilang employee, ang employer talaga ang may say sa desisyon ng kanyang negosyo.”
Ang reaksyon ng TV host-comedian ay pagkumpirma na rin na magsasara na nga ang kanilang programang Tropang LOL.
Thankful naman si Bayani na naging parte siya ng noontime show ng TV5.
Grateful din siya na may offer pa rin na binibigay sa kanya ang dating home network na ABS-CBN.
Nasa I Can See Your Voice siya bilang isa sa Singbestigator kasama sina Long Mejia, ang tatlong beki na sina MC, Lacie, Negi at Angeline Quinto.
Magiging parte rin daw siya ng teleseryeng gagawin ng DonBell (Donny Pangilinan at Belle Mariano).