Advertisers

Advertisers

Tiffany type bosohan si Joshua

0 288

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

BIGGEST break ng Vivamax star na si Tiffany Grey ang kanyang role sa pelikulang “Paupahan” na idinirehe ng award-winning director na si Louie Ignacio.
Ani Tiffany, ito ang ikalawang pagkakataon na makatrabaho niya si Direk Louie.
“Mas kumportable na po ako sa kanya. Marami rin po akong natutunan kay Direk pagdating sa pagmo-motivate niya sa akin sa pag-arte. Igina-guide niya ako kung paano ko bibigyan ng atake ang role ko. Parang family ko na rin si Direk kasi nakakakapag-open up ako sa kanya. Siya iyong pinaka-close ko kasi sa mga direktor na nakatrabaho ko,” bulalas ni Tiffany.
Kahit naging nominado na sa 2022 Metro Manila Film Festival para sa pelikulang “My Father, Myself,” feeling niya ay wala raw namang kailangang magbago sa treatment sa kanya ng co-stars.
Katunayan, naging motivation daw para sa kanya ang pagkaka-nominate niya sa kanyang performance sa nasabing MMFF movie para pagbutihin pa ang kanyang trabaho.
“Masaya po ako na napansin. Naging inspired po ako para pagbutihin pa ang trabaho ko,” ani Tiffany.
Sa kanyang latest Vivamax starrer, sobra raw siyang na-challenge sa kanyang role kung saan binibigyang buhay niya ang papel ni Analyn, isang landlady sa isang paupahang apartment na minanipula ni Nico (Arroyo), isang commercial model na tenant niya.
Aniya, noon pa raw niya gustong gumanap sa papel ng isang seemingly innocent girl na may itinatagong kulo.
Sa pamamagitan daw ng obra ni Direk Louie, naipakita niya ang iba’t ibang range ng emosyon.
Napatunayan daw niya na marami pa pala siyang puwedeng ibigay pagdating sa range ng pag-arte.
Dagdag pa niya, siya man daw ay nahintakutan sa kanyang role lalo pa’t kakaiba ang trip at weirdness ng kanyang karakter.
Hirit pa niya, nahirapan din daw siyang bumitaw sa kanyang role dahil nadala siya ng kanyang performance.
Ang pelikulang “Paupahan” ay pumapaksa rin sa tema ng voyeurism kung saan isang babae ang aktibong karakter.
Nakaka-relate rin daw siya sa kanyang role dahil noong high school ay naranasan na niyang mamboso ng opposite sex.
Nagawa raw niya ito out of curiosity dahil sa kapilyahan ng kanyang kabataan.
Hindi naman niya ikinakaila na tinablan din siya sa kanyang nakita tulad na lamang ng naramdaman ng kanyang dark character sa male tenant na binobosohan nito.
Sey pa niya kung meron daw siyang male celebrity na bet bosohan, ito ay walang iba kundi si Joshua Garcia na iniidolo niya.
Kabituin din ni Tiffany sa “Paupahan” sina Robb Guinto at Jiad Arroyo.
Palabas na sa Vivamax simula sa Abril 8, ito ay mula sa malikhaing panulat ni Quinn Carillo.