Advertisers

Advertisers

Vice Ganda nagpatama sa mga Maritess na bashers

0 215

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA pamamagitan ng kanyang Twitter page ay ibinahagi ni Vice Ganda ang saloobin patungkol sa mga netizen na puro kuda sa social media hinggil sa mga isyu na napapanood nila sa mga video clips na uploaded sa TikTok.
Post ni Vice, “GANDANG tanghali sa mga solid Madlang People natin dyan !!! See u in Showtime leytah! Hi na din sa mga constituents ni Yormeme na mahilig manuod ng mga spliced videos lang sa chikchok pero todo comment na parang knows na knows ang buong ganap. Lelzzzzzz!!!”
Maging sa kanyang pagpasok sa “It’s Showtime” ay ito rin ang kanyang bungad sa madlang pipol.
“Hello sa mga constituents ko sa studio, sa mga mememeyan sa kalsada, sa lahat ng mga gumising upang manood ng It’s Showtime…pati na rin sa ating mga mememeyan na sa TikTok lang nanonood ng mga spliced videos, hello sa inyo dyan. Sa mga ‘yun lang ang time nila, manood ng spliced videos pero kung maka-comment akala mo buong konteksto ang alam, hello sa inyo dyan,” sey ni Vice.
Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay trending ang kanyang pakikipag-usap kay Kulot kung saan napag-usapan nila ang tila pagkakaroon ng “text mate” ng ama ng bata.
Agad nag-viral ang naturang video na uploaded na sa iba’t ibang social media pages lalo na ang nahuling pagluha ni Kulot habang kausap si Meme Vice.
Marami ang mga nagbigay komento sa senaryong kanilang napanood lalo na’t ramdam na ramdam sa mata ng bata ang sakit na dulot ng kanilang pinag-uusapan, ang pagloloko umano ng kanyang ama.
Kaya naman bina-bash ngayon si Vice na naging dahilan nga para sagutin at paringgan niya ang kanyang bashers.
***
NAPANOOD namin sa advance screening ang pelikulang Home I Found In You, na nagsisilbing launching movie ng loveteam nina Jhassy Busran at John Heindrick, na mula sa direksyon ni Gabby Ramos.
In fairness, nagustuhan namin ang movie, at bagay na bagay talaga sina Jhassy at John na mas lalong kilala sa tawag na JhasDrick.
Ang lakas ng dating nila sa screen, may chemistry sila.
Maraming eksena sa movie ang dalawa na talagang nakakakilig. Kaya naman tuwing may sweet moments sila, hindi napipigilan ng kanilang mga tagahanga na nasa advance screening ang tumili at magpalakpakan.
Natutuwa siyempre sina Jhassy at John Heindrick na marami nang fans ang kanilang loveteam.
“Sobra po kong nagpapasalamat sa fans namin ni John na nagpunta sa advance screening ng Home I Found In You para suportahan kami. Naa-appreciate po namin ang pagmamahal nila sa amin. Sana po ay hindi sila magsawa sa pagsusuporta sa loveteam namin,” sabi ni Jhassy.
“Masaya po ako na laging nandyan yung mga fan namin ni Jhassy na sinusuportahan ang lahat ng mga proyekto na ginagawa namin. Kaya nagpapasalamat din po ako ng sobra sa kanila. At sana nga po patuloy nila kaming suportahan, hindi po sana sila magsawa,” sabi naman ni John Heindrick.
Sa Home I Found In You, gumaganap si Jhassy bilang si Celine, isang probinsyanang mahilig magpinta na allergic sa social media at hate ang mga artista. Makikilala niya si Red, (John Heindrick) isang celebrity na ipu-pursue siya pero magpapa-hard to get siya.
Bukod kina Jhassy at John, kasama rin sa HIFIY sina Diego Llorico, Eunice Lagusad, Harvey Almoneda, Orlando Sol, at Soliman Cruz.