Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
BATA pa ay pangarap na talaga ng Kapuso singer/songwriter na si Anton Paras ang maging isang sikat na singer, tulad ng mga hinahangaan niyang Kapuso talents, partikular na si Julie Anne San Jose na pangarap niyang makasamang kumakanta on stage balang araw.
Balik tanaw ni Anton madalas siyang mabalewala at ultimo mga kaibigan niya ay nagdududa na magiging Kapuso artist din siya balang araw.
Hindi nawalan ng pag-asa kahit pinagduduhan ang kakayahan sa pagkanta ay ipinagpatuloy niya ang pangarap at hindi naman siya nagkamali dahil kinuha siya ng GMA para tuparin ang pangarap maging isang singer.
Naniwala na rin ang mga kaibigan nang magkaroon siya ng poster kasama ng mga Kapuso talent.
Their feelings towards their object of affection but no avail, Anton wanted to write a relatable song, so he wrote Binabalewala for hopeless romantic.
“Gusto ko po makagawa ng song na marami po talaga makakarelate, kahit anong age po sila. Then `Binabalewala` po yung title kasi yung story po ng song is may guy na tina-try po niyang ipakita yung efforts niya sa girl pero hindi po siya pinapansin, doon po papasok yung title na Binabalewala,” pagbabahagi ni Anton.
“Super na-excite po talaga ako nung malaman ko na magre-release po ako ng kanta. Sinabi ko po agad kay Sir Pau Agudelo na gusto ko po itong i-record agad kasi yung Binabalewala po yung favorite song ko so far sa mga na-compose ko,” dagdag pa niya.
Bilang multi-talented, Anton continue to explore different song genres, “Gusto ko po maipakita na I can do a lot of genres, na hindi lang ako pang R&B Ballads. Gusto ko po ma-showcase yung versatility ng voice ko.”
Mensahe niya sa lahat ng hopeless romantics, “Lagi naman pong may failure. `Wag na lang po masyadong dibdibin ang heartbreaks and move on to the next kasi sabi nga po nila, `There`s a lot of fish in the sea.”
***
John dedma sa mga posts ni Priscilla sa
cheating
TAHIMIK pa rin si John Estrada sa patuloy na pag-post ng mga cryptic messages ng misis na si Priscilla Meirelles.
Curious ang mga netizen kung nababasa ba ni John ang mga post ni Priscilla at kung ano ang kanyang reaction na parang ipinaparating nito na siya ay cheater.
Huling nakitang magkasama sina John at Priscilla in public ay sa concert ni Harry Styles kasama ang kanilang anak na si Anechka last March 14 at sa Nice Print Anniversary noong March 17.
Pagkatapos noon ay sunud-sunod na ang mga cryptic posts ni Priscilla tungkol sa cheating at sa mga babaeng nag-e-entertain sa married man.
Sabi ni Priscilla, “What to call a female that entertains married man?”
Dahil na rin sa cryptic post ay marami ang nagbigay ng sagot sa tanong ng former beauty queen.
Sabi nila, “Anaconda, linta, suso, katherine, makati, home wrecker, hitad, kenga, entertainer, kire, haliparot, p*taching, black panthom, itchy worm, burikat, gold miner, bitch, desperate whore, vaquinha at malandi.”
Lahat na yata ng mga puwedeng itawag sa maharot na babae ay ibinigay ng netizens.
Sabi ni Priscilla, “Thanks for all the reply for helping me to increase my vocabulary with new meaningful words. Top 20 best answers not in particular order.”
Comment ng mga netizen, “Once a cheater, always a cheater.”
“Kanta na lang tayo, mga classmates! Karma! karma, karma, karma, karma. Chameleon…”
“Sinong nakarma? If you`re pertaining to Priscilla, bakit siya makakarma? Wala naman siyang inagaw and she wasn`t the 3rd party to Janice`s & John`s marriage.”
“Mema lang? Si Vanessa yung third party kina Janice at John dati, hindi si Priscilla.”
“Red flag na ang ginawa niya kay John, pumatol pa, eh. Di magdusa ka!”
“Only blaming the girl? What about your husband? Serial babaero!”
“Once a cheater, always a REPEATER!”
“Hahahaha! Ginusto naman niya `yan. Pero in fairness naman, some do change. Knows several barkadas nag-cheat when they were younger, now hindi na.”
“It`s your husband, not the girl you should call snake!”
“What did you expect when you married a known cheater? HIndi sa pagiging insensitive pero sa history ni John sa pagiging cheater, `wag mag-expect na magbabago. They get worse over time, `ika nga, sa una lang magaling. Leave him na kung hindi mo kaya at magiging cheap lang ang image nating mga babae kung ang premyo lang ay isang cheater.”