Advertisers

Advertisers

Eroplano ng Air Force bumagsak: 2 sugatan

0 127

Advertisers

SUGATAN ang dalawang piloto nang bumagsak ang eroplano ng Philippine Airforce sa Lipa, Batangas.

Ang mga biktima ay piloto ng Siai-Marchetti SF260FH Turboprop Aircraft na hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan.

Ayon kay PAF Spokesperson, Colonel Ma. Consuelo Castillo, nagsasagawa ng standard training flight sa nasabing lugar ang isang trainer aircraft ng PAF nang ito’y mag-crash.



Nagkaroon ng problema ang eroplano dahil sa malakas na hangin sa runway 21 ng Fernando Air Base sa Lipa dahilan ng pagbagsak nito 6:43 Lunes ng umaga.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang pangyayari habang isinailalim na sa mandatory medical check-up at treatment ang mga nailigtas na biktima.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">