Advertisers

Advertisers

Mister nalitson sa isinasalbang palay

0 95

Advertisers

HINDI inakala ng isang mister na ang gagawin niyang pagsalba sa kanilang sako-sakong palay ang magiging sanhi ng kanyang kamatayan matapos makasama siyang masunog sa nasusunog nilang bahay dahil sa siga sa bayan ng Milagros, Masbate.

Nakayakap sa sako-sakong palay ng matagpuan ang sunog na bangkay ng biktima na hindi pinangalanan sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Cayabon, Milagros, Masbate.

Sa report ng pamatay-sunog ng Milagros, 12:00 ng hapon ng lumiyab ang bahay ng biktima.



Ayon sa misis ng biktima, pagsapit ng tanghali, nakaugalian na nilang mag-asawa na maglinis sa kanilang palayan at magsiga.

Dahil sa tindi ng init at lakas ng hangin mabilis na kumalat ang apoy at umabot sa tahanan ng mag-asawa .



Sinabi pa ng misis, kahit malakas na ang apoy, tumakbo pa rin ang kanyang mister sa loob ng bahay para sana ilabas ang 29 na sakong palay na bagong ani.

Subali’t hindi na nakalabas pa ang biktima hanggang sa ma-trap na ito sa loob ng kanilang bahay.



Sa pagresponde ng mga awtoridad sa nabanggit na lugar higit 2 oras ang nakalipas bago tuluyan naapula ang sunog .

Inaalam na ng mga awtoridad ang halaga ng ari-arian tinupok ng apoy.