Advertisers

Advertisers

90-day extension ikinagalak… BONG GO: SIMCARD IREHISTRO PARA TAYO’Y PROTEKTADO

0 155

Advertisers

Ikinagalak at suportado ni Senator Christopher “Bong” Go ang desisyong palawigin nang 90 araw ang deadline para sa mandatory SIM card registration sa bansa.

Ang extension ay tugon sa apela ng publiko na bigyan pa sila ng maraming oras upang mairehistro ang kanilang mga SIM card, lalo sa sa mga hindi handa sa bagong requirement.

Ibinahagi ni Go na kamakailan ay umapela siya sa Department of Information and Communications Technology na magbigay ng palawig upang ang maraming simcard users ay makapagrehistro lalo’t ito ang unang pagkakataon na ginawa itong mandatoryo.



Hiniling din niya sa telecommunications companies na gawing mas madali o simple ang proseso para matagumpay na makapagrehistro ang ating mga kababayan na hindi bihasa sa internet.

Para sa mga hindi pa nakapagpaparehistro ng kanilang SIM card, hinimok sila ni Go na samantalahin ang extension period kasabay ng pagpapaalala na ang nasabing batas ay para sa kapakanan at proteksyon ng lahat.



“Samantalahin na ninyo ang palugit na ito upang hindi maputol ang mga serbisyong nakukuha gamit ang mobile phone,” ani Go.

“Para din sa inyong proteksyun at ikabubuti ng lahat ang hangarin ng batas na ito,” dagdag niya.



Sa isang panayam matapos personal na tulungan ang mga mahihirap na residente sa General Natividad, Nueva Ecija noong Lunes, idiniin ng senador na napakahalagang tiyakin na simple at accessible sa lahat ang proseso ng pagpaparehistro.

“Unang-una, dapat turuan natin ang ating mga kababayan at dapat gawing simple ‘yung pagrerehistro. ‘Yung pinaka-simple,” aniya.

Batay sa bagong pigura as of April 20, humigit-kumulang 45% ng 168 milyong subscriber sa buong bansa ang nakakumpleto o nakapagparehistro na ng kanilang mga SIM card.

Naniniwala si DICT Secretary Ivan Uy na isa sa mga pangunahing isyu na kailangang tugunan ay ang problema ng ilang subscribers kapag hinihingi ang kanilang valid identification card na requirement sa pagpaparehistro.