Advertisers

Advertisers

3 sasakyan inararo ng lasing

0 174

Advertisers

Binangga ang tatlong sasakyan na kinabibilangan ng motorsiklo, sports utility vehicle (SUV) at isang multi-purpose vehicle (MPV) sa iba’t-ibang lugar ng sasakyang minamaneho ng isang lasing na driver sa Makati City nitong Abril 25.

Ayon sa driver ng motorsiklo binabagtas niya ang Amorsolo Street galing ng Buendia Avenue patungong Ayala nang biglang kumanan ang kulay asul na Toyota Innova na minamaneho ng lasing na driver ng walang pasubali na hindi man lang gumamit ng kanyang signal light kung kaya’t nasagi siya at natumba.

Matapos matumba ang driver ng motorsiklo nilapitan ito ng lasing na driver kung saan pinagsisigawan pa siya at saka humarurot na iniwan na lamang na pobreng driver ng motorsiklo.



Pagdating naman sa kanto ng Arnaiz Avenue nabangga naman ng Innova ang isang kulay itim na Ford Ecosport na papalabas ng Don Bosco Church.

Ayon sa driver ng Ecosport, kagagaling lamang nila ng kanyang pamilya sa lamay ng kanilang kaibigan nang maganap ang insidente kung saan napag-alaman na dumadaing ang kanyang anak na masakit ang ulo dulot ng pagkakabangga sa kanila.



Humingi naman ng dispensa ang lasing na driver at nangakong sasagutin ang lahat ng gastusin na kanyang napinsala ngunit mariin niyang itinanggi na hindi niya nabangga ang motorsiklo.

Samantala, hindi naman pumayag ang driver ng Ecosport na nagsabing kanyang itutuloy ang pagsasampa ng reklamo laban sa lasing na driver ng magkaharap ang mga ito sa Makati Traffic Bureau.



Nahaharap ang lasing na driver sa kasong driving under the influence of liquor at reckless imprudence resulting in physical injuries.