Advertisers

Advertisers

“Sa makikiusap at magpe-pressure, tabla!” — Comelec Chair

0 127

Advertisers

“Sa mga gustong magpe-pressure at makiusap, ‘wag na po ninyo i-try. Baka sa halip na magkaibigan po tayo eh magkasamaan pa po tayo ng loob.”

Ito ang sinabi ni Commission on Elections (Comelec) chair George Garcia nang dumalo siya nitong Martes ng umaga sa MACHRA’s Balitaan forum ng Manila City Hall Reporters’ Assn. sa Harbor View, matapos niyang tablahin ang sinumang nagnanais na siya ay i-pressure para humingi ng pabor kaugnay ng kanyang kasalukuyang posisyon bilang kasalukuyang pinuno ng poll body ng bansa.

Tahasang sinabi ni Garcia na hindi niya hiningi ang kanyang posisyon at ang totoo pa nga ay napakalaki ng kanyang sinakripisyo para magserbisyo publiko.



“Gaya ng sinasabi ko lagi, kung pera-pera ang usapan, ‘wag nyo nang i-try dahil mas malaki naman siguro ang sinakripisyo ko kesa sa puwesto ko sa kasalukuyan…wala naman po akong kailangan pa, wala na akong hihilingin pa. Sino ba naman ang mag-aakala, pakalat-kalat lang akong election lawyer biglang naging chairman ng Comelec di ho ba?”

“So sa akin natural lang yun me makikiusap me magpe-pressue sa palagay nyo ba wala akong natatanggap na pressure sa kasalukiyan o mga pakiusap,
pero lagi sinasabi ko is basta kung ano na lang yung tama yun na lang po ang aking gagawin,” sabi ni Garcia



Binigyang diin ni Garcia na hindi lang siya ang Comelec , dahil ang Commission ay isang collegial body, at idinagdag din na maaaring siya man ang pinuno siya pa rin ay nagtatrabaho na kasama ang en banc component ng komisyon.

Binanggit ng Comelec chair ang kahalagahan ng tiwala at paniniwala ng publiko sa poll body.



“Napaka-importante po kasing paniwalaan ng tao ang Commission on Elections. Naibalik na po namin ang tiwala ng mga tao sa Comelec, hinding-hindi na po natin ‘yan pababayaan pamg mawala,” pagtitiyak nito.

Idinagdag pa ni Garcia: “Maganda pong ma-maintain natin ‘yung magandang relasyon kung kakilala ko na kayo, hanggang sa matapos kami sa termino dahil it’s to the best advantage po ninyo na matapat at maayos ang Commission on Elections para po nang sa ganoon,magiging maayos din ang demokrasya sa ating bansa.” (ANDI GARCIA)