Advertisers

Advertisers

3 patay sa aksidente ng motorsiklo

0 130

Advertisers

Tatlo katao ang nasawi kabilang ang isang babaeng angkas sa magkakahiwalay na aksidente na kinasangkutan ng motorsiklo.

Nasawi si Angelica Tamayo, nang masangkot sa karambola ng tatlong sasakyan ang motorsiklo na kaniyang sinasakyan.

Ayon sa pulisya, palabas ng national highway sa Barangay Upeg sa Gamu, Isabela, ang isang tricycle nang nasalpok ito ng isang pick-up truck.



Sa lakas ng pagkakabangga ng pick-up, tumilapon ang tricycle at tumama sa motorsiklo na sinasakyan ni Tamayo.

Nasugatan pero nakaligtas naman ang mag-ama na nakasakay sa tricycle.



Sa Concepcion, Tarlac, isang 19 anyos na rider naman ang nasawi nang magulungan ng bus sa national highway sa bahagi ng Barangay Dutung-A-Matas.

Ayon sa awtoridad, nagkabangaan muna ang motorsiklo ng biktima at ang isang tricycle.



Napalihis ng daan ang motorsiklo ng biktima at napunta sa kabilang linya ng kalsada kung saan siya nahagip ng bus.

Sa San Juan, Ilocos Sur, isang 18 anyos na rider naman ang nasawi nang mawalan ng kontrol sa minamaneho niyang motorsiklo at bumangga siya sa poste.

Ayon sa mga awtoridad, paliko ang bahagi ng daan kung saan naaksidente ang biktima, na bibili lang sana ng miryenda nang mangyari ang insidente.