Advertisers
INIREKOMENDA ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na panatilihin ang fishing ban sa mga munisipalidad na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Ayon sa BFAR, batay sa oil at grease analysis sa water samples na kinuha April 10, nanatili ang contaminant level sa mga karagatang apektado ng pagtagas ng langis.
Lumilitaw rin sa fish samples na kinuha noong April 3 na nanatili ang mababang antas ng mga contaminants o polycyclic aromatic hydrocarbons (PAH) sa mula sa apektadong karagatan
Ang PAH ay nakakapinsala sa mga tao at iba pang living organism.
Ang water at fish sample ay kinolekta mula sa mga munisipalidad ng Bongabong at San Juan. (RONALD BULA)