Advertisers
NASAWI ang tatlong Pilipino habang lima ang nasugatan sa sunog sa isang food factory sa Taiwan, ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chair Silvestre Bello III nitong Huwebes.
Kinilala ang mga nasawi na sina Renato Larua ng Cavite, Nancy Revilla ng Marinduque, at Aroma Miranda ng Tarlac.
Ang mga nasugatan naman ay nasa maayos nang kalagayan, maliban kay Maricris Fernando na nasa ICU.
Magbibigay ang MECO ng tulong sa mga pamilya ng mga biktima mula sa Philippine at Taiwanese governments.
Sinabi ni Bello na nasa maayos na pakikipag-ugnayan sila sa mga otoridad ng pulisya para sa imbestigasyon at agaran na pagpapauwi sa labi ng mga nasawi.