Advertisers
“LUGI at kawawa ang taumbayan dito sa umiiral na oil deregulation law”.
Ito ang naging pahayag ni Sen. Erwin Tulfo sa isang panayam tungkol sa walang pakundangang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa kasunod ng pagputok ng giyera sa Middle East.
Aniya, “hindi pwedeng kontrolin o diktahan ng gobyerno ang presyo ng langis dahil protektado ito ilalim ng oil deregulation law”.
“Ang masaklap pa dahil sa batas na yan, tanging pakiusap na lang ang magagawa ng pamahalaan sa mga kumpanya ng langis kapag tumaas ang presyo nito sa pandaigdigang merkado”, dagdag pa ni Sen. Tulfo.
Ayon pa sa senador, “dahil sa mga pangyayaring ito, naghain kami ni Sen. Sherwin Gatchalian ng isang panukalang batas, ang senate bill 641 ( “institutionalizing transparency in the oil deregulation law,) para balikan at rebyuhin ang RA 8479 o ang Downstream Oil Deregulation Act of 1998”.
“Gusto namin ni Sen. Win na makita kung magkano ang bili talaga ng mga oil company ng pertrolyo sa abroad, magkano ang gastos nila at magkano ang tubo nila sa bawat litro”, ani Tulfo.
“Pakiramdam nating lahat overpriced ang presyo ng ating petrolyo sa mga gasolinahan natin kaya napapanahon na may batas tayo para ilahad nila magkano ang kinilita ng mga oil companaies na ito sa bawat litro ng gasolina o diesel na ibinibenta nila sa atin”, dagdag pa ng senador.
Nasa 19th Congress pa lamang, ng ihain ni Sen. Tulfo ang pagrebisa ng oil deregulation law sa kongreso.
Hindi rin lubos maisip ng mambabatas kung papaano at bakit lumusot ang batas na ito noong 1998 gayong talo ang taumbayan sa oil deregulation law na ito.
Matagal na ring hinihingi ng transport sector ang pagbasura ng naturang batas.