Advertisers

Advertisers

Police corporal patay sa highway accident

0 157

Advertisers

Nasawi ang isang kasapi ng Kabacan Municipal Police Station sa probinsya ng Cotabato ng masapol ang kanyang kotse ng isang sasakyan sa isang bahagi ng Cotabato-Davao Highway nitong Miyerkoles ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang 34 anyos na si Cpl. Teodolfo Tugade Garavilles sanhi ng pagkakabangga ng kanyang Toyota Vios ng isang Toyota Hilux pick-up truck, mula sa kabilang direksyon ng highway, sa Barangay Osias sa bayan ng Kabacan.

Sa ulat, minamaneho ni Garavilles ang kanyang kotse, 8:00 ng gabi patungo sana sa bayan ng Matalam sa naturang din probinsya ng maganap ang aksidente.



Nasa kustodiya na ng Kabacan police ang 33 anyos na si Louizer Alfar Malazarte na driver ng sasakyang nakabangga sa kotse ng nasawing si Garavilles.

Naganap ang aksidente kasunod ng pagkaka-patay sa isang ambush gabi ng April 11 ng isang miyembro ng anti-narcotics unit ng Cotabato provincial police na si Staff Sgt. Abejay Dandan, sa



isang bahagi din ng Cotabato-Davao Highway sa Barangay Katidtuan sa Kabacan.

Patungo sana si Dandan sa Kidapawan City, kabisera ng probinsya ng Cotabato, ng tambangan ng mga lalaking armado ng M16 rifles na nakaabang sa gilid ng highway at agad ding nakatakas gamit ang mga sports utility vehicles.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">