Advertisers

Advertisers

Empleyado ng city hall kulong sa pekeng resibo

0 120

Advertisers

ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang isang empleyado ng Manila City Hall sa pamemeke ng mga resibo sa Arroceros, Ermita, Maynila.

Nasa kustodiya ng SMaRT ang suspek na si “Sherwin”, 42, ng Tondo.

Nag-ugat ang pag-aresto kay Sherwin nang humingi ng police assistance ang Office of the Secretary nang madiskubre ang iligal na aktibidad ng suspek.



Nabatid na may online access sa ‘GO! Manila’ para sa online transactions si Sherwin kungsaan nagpa-facilitate ito ng application at nag-iisyu ng kopya ng Electronic Official Receipt kungsaan pineke nito ang inisyung resibo sa isang negosyante.