Advertisers

Advertisers

3 lider ng NPA todas sa sagupaan

0 111

Advertisers

TODAS ang tatlong matataas na lider ng New People Army (NPA) sa serye ng engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde sa Surigao del Sur at Agusan del Sur.

Kinilala ang mga napatay na sina Alberto Castaneda alias Justine or JD), kumander ng Sandatahang Yunit Pampropaganda 16C ng WGF16; Eric Mahinay Colon alias Neo, political guide ng Squad 1, SDG-16; at Ranjie Pertos alias Goyong, vice squad leader ng SDG-16, na pawang nasa ilalim ng NEMRC.

Ayon kay Major Francisco Garello, hepe ng Public Affairs Division ng 4th Infantry Brigade, isinagawa ang operasyon sa Sitio Katarungan, Barangay Lobo, Cantilan nitong May 11.



Naka-engkwentro ng mga elemento ng 30th at 36 Infantry Battalion ang may 30 rebelde na miyembro ng Sentro De Grabidad 16 (SDG-16) at remnants ng Guerilla Front 16 (WGF-16) ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) na nag-o-operate sa Surigao del Sur.

Sa isinagawang clearing operation, nakitasa pinangyarihan ng engkwentro ang isang R4 rifle, M16 rifle, Ultimax 100, AR-18 rifle, at 3 AK47 rifles.



Nauna dito, naka-engkwentro ng mga elemento ng 3rd Special Forces Battalion, 75th Infantry Battalion, at 41st Division Reconnaissance Company (DRC) ang ‘di nabatid na bilang ng mga rebelde sa operasyon sa Brgy. San Jose, Prosperidad, Agusan Sur nitong May 10.

Tumakas ang mga rebelde sa iba’t ibang direksyon matapos ang ilang minutong bakbakan. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">