Advertisers

Advertisers

Sunog sa Maynila: 1 patay, 4 sugatan

0 132

Advertisers

ISA ang nasawi at apat ang sugatan sa sunog sa residential area sa Oroquieta Street, kanto Doroteo Jose, Sta. Cruz, Maynila, sakop ng Barangay 310, Linggo ng madaling araw.

Ito ang inihayag ng Manila Fire Department, pero hindi muna inilabas ang pangalan ng nasawi.

Sa apat na naitalang sugatan, isa ang nagtamo ng mga paso sa iba’t ibang parte ng katawan at isang 61 anyos na babae ang nabalian ng balakang.

Nabatid na nagsimula ang sunog 3:49 ng umaga na umabot ng ikalimang alarma. At 6:43 ng umaga nang ideklarang fire under control ang sunog.

Ayon sa barangay, nagmula ang apoy sa bahay ng pag-aari ni ‘Joker’ na isang adik at inuupahan ng nagngangalang ‘Balong’ na isang bading.

Sinasabing kandila ang sanhi ng sunog nang iwan ni Balong at ikinandado ang inuupahang bahay.

Pawang gawa sa light materials ang mga bahay kaya mabilis na nilamon ng apoy ang mga kabahayan.

Lahat ng residente ng Brgy .310 ay walang naisalbang gamit dahil narin sa sikip ng mga isikinita .
Inabot din ng apoy ang ilang bahay sa Barangay 312.

Hindi pa batid kung ilang bahay ang nasunog.(Jocelyn Domenden)