Advertisers
TODAS ang isang lalaki na nakikipag-inuman sa kaniyang dating kasintahan nang saksakin ng kasalukuyang live-in partner ng babae. Ang talim, naiwan pa sa loob ng kaniyang tiyan.
Kinilala ang biktima na si John Patrick Beño, isang engineer.
Ayon sa Las Piñas City Police, nangyari ang insidente sa condo unit ng babae na isa rin engineer.
Habang nag-iinuman ang biktima at ang kaniyang ex, dumating ang live-in partner ng huli at ikinagalit nito na magkasama ang dalawa.
Pagkasaksak, ang salarin pa ang nagdala sa biktima sa ospital.
Iniulat ng ospital na naroon ang salarin, kaya dinakip ito ng pulisya habang naghihintay sa emergency room.
Giit ng salarin, aksidente ang nangyari at hindi niya sinasadya.
Nakabilanggo na ang salarin na nahaharap sa kasong murder.