Advertisers
Ni NOEL ASIÑAS
FIRST mediacon of ZYShop Worldwide Direk Selling OPC o higit na kilala bilang ZY Shop.
Humarap sa press ang mag-partner na sina Dr. Rahm Dagdag, ang Founder at CEO ng ZY Shop at Mr. Mark Jervy Garcia, COO of ZY Shop. Ginanap ang event sa Skapo Cafe and Grill, BF Resorts, Las Pinas City.
Sa event, ipinaliwanag ng mag-asawa na ang ZYShop ay itinatag noong 2014 na binuksan para makatulong sa mga local entrepreneurs. This is a direck selling company for clothing apparel.
At present, ang ZY Shop ay kinu-consider bilang isa na sa pinakamalaking distribution company sa bansa. Priority ng company ang mga taong hilig magkaroon ng sariling negosyo. Tulungan na magsimula ng negosyo via direct selling.
Sapul na nagsimula ang ZY Shop, nagkaroon na sila ng 10 Satellite branches, limang mini satellite branches, 5 mini-warehouses, 9 mini-libraries, 14 school/organizations na nakapagpabago ng buhay ng may 1,610 business partners, 81 gold members, may higit na 500,000 na katao na nakinabang thru job creations.
Mas kilala na ngayon ang ZY Shop bilang direct selling company ng apparel, shoes, accessories at personal care products.
Samantala, ang main product ng ZY Shop ay nag-aalok ng rebranding at free logo layout para sa kanilang business partners na gustong magtayo ng sariling negosyo.
Sa mediacon, pinakita ng ZY Shop sa kanilang models ang kanilang latest clothing apparels.