Advertisers

Advertisers

OPM Princess Lindsay Bolanos, successful ang album launch!

0 2,416

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

TAGUMPAY ang album launch ng tinaguriang OPM Princess ng EBQ Music Production na si Lindsay Bolanos nitong nakalipas na June 7.
Kahit dalagita pa lang ay buumbuo na ang magandang boses ni Lindsay at talagang nakabibilib ang kanyang pag-awit.
Sa tulong ng kanyang manager na si Ms. Evie Quintua ay ipinakilala sa ilang piling entertainment press si Lindsay na kinanta ang ilang awitin mula sa EBQ Music Production at ini-released ng PolyEast Records.
Ang first album ni Lindsay ay pinamagatang Pusong Nagmamahal na ang mga awitin ay kinompos nina Bobot Bolanos, Rachel Anca at Nick & Evie Quintua.
Ang mga kantang nakapaloob sa album ng dalagita ay Pusong Nagmamahal, Ikaw Na Lang Kaya, Kung Kaylan Pa, Para Sa ‘Yo, Inaamin Ko at Kahit Pangarap Lang.
Sa Question & Answer portion, inihayag ni Lindsay na 6-anyos pa lang siya nang lumabas ang kanyang talento sa pagkanta.
“Nakapag-perform na po ako sa iba’t ibang lugar, sa mga mall show at competition. Ang una pong sinalihan kong kompetisyon ay nanalo ako, sa EKids Talent Competition nung 2015.
“Nung 2022, isang kaibigan ang ipinakilala ako kay Ma’am Evie Quintua na manager ko ngayon at tumutulong para makamit ko ang aking mga pangarap,” tsika ni Lindsay.
Paboritong local singers ni Lindsay sina Morissette Amon at Ms. Regine Velasquez-Alcasid kaya hangad niyang makasama ang mga ito sa entablado.
Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nais din ng dalagitang singer na pumasok sa showbiz at makasama si Daniel Padilla na paborito rin anya niyang singer.
Ilan pa sa mga achievements ni Lindsay ay ang mga sumusunod: Tinig Bulilit 2020 Grand Champion (Manila); Asia’s Triumphant Awards 2022 as the EBQ Music Rising Artist at Tanghalang Pasigueno; Active Fun Star Voice Season 2 2nd Runner-up; Campus Golden Voice 2019 Semifinalist, at iba pa.
Ang motto in life ni Lindsay ay ito: “I am a singer, the stage is my home, my mic is my best friend, the crowd is my family, and music is my life.”
Wow, ganda naman talaga, akmang-akma kay Lindsay na inaasahang kikilalanin sa music industry sa angking kakayahang umawit at mag-perform sa harap ng madlang people.
Congrats & goodluck, Lindsay!