Ginamit lang ang young actress…Ricci dyowa pa si Andrea, may kapalit nang beauty queen-konsehala ng Laguna
Advertisers
Ni BETH GELENA
IBINAHAGI nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros ang ilang kaganapan nang mamaalam ang TVJ sa TAPE Inc.
Ayon kay Paolo, naguguluhan siya sa nangyayari.
Si Wally naman ay nag-akalang ordinaryong araw lang ang May 31 sa kanila, pero nang hindi na sila nakapag-live ay kinabahan na raw siya na may mangyayari
Pressure naman daw ang naramdaman ni Jose, pero kampante naman dahil alam nilang hindi sila pababayaan ng TVJ.
May 31 nang tuluyan nang mamaalam ang Tito, Vic and Joey sa producer ng Eat Bulaga, ang TAPE Inc.
Lahat ay nagulat dahil ang akala ng mga netizen ay maayos ang pag-uusap ng magkabilang kampo.
Natanong sina Jose, Wally at Paolo hinggil sa kanilang mga saloobin sa naganap na pagkalas ng TVJ.
“Nabigo po kayo, bigong-bigo… Napakabigo!” ayon sa JoWaPao (Jose , Wally at Paolo.)
Maging ang JoWaPao ay tila naguluhan sa sitwasyong ito kaya naman bumuhos ang kanilang emosyon nu’ng araw na iyon.
“Ako ay gulong-gulo sa kung ano ang nangyayari. Bilang ako ay isang clueless. I chose peace. Hindi ko alam kung ano mangyayari siyempre. Pumasok kami para mag-work, like we usually do, like we all do. Ako for 22 years ng buhay ko mas higit pa sa kalahati ng buhay ko. Sa araw-araw sa Eat Bulaga. Same usual day tapos ‘yun na nga, biglang hindi na raw magla-live and stuff. Anyare ta’s gulong-gulo,” ani Paolo sa programang ‘Sa Totoo lang’ ng One PH.
“Puzzled syempre, gulong-gulo. Gulong-gulo. Iniisip ko after that nung nag-sign off kami, iniisip ko sa’n ako kakain ng libreng lunch,” birong sabi naman ni Wally.
“Sa’kin ano e, pressure ‘yung nangyayari sa loob. ‘Yun nga basta sinabi hindi kami eere. Ako sa part ko, hindi naman ako masyadong nag-worry kasi andun ‘yung TVJ. Alam naman nating hindi kami pababayaan kung anumang sitwasyon, sila naman yung haharap at siguradong magiging maayos naman so, kung anumang pinaplano alam naming tama ‘yung desisyon nila. So, pinaubaya naming lahat. Hindi makakalimutan ‘yung prayers. ‘Yun ang sitwasyon nu’n.”
Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
Una itong umere noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya sa loob ng 6 na taon.
At ang pinakahuli nga nilang naging tahanan ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.
***
ISA palang dating beauty queen ng iba’t ibang larangan ng beauty pageant si Leren Mae Bautista.
Isa rin siyang Konsehala sa kanilang lugar sa Los Banos.
Siya umano ang ipinalit ni Ricci Rivero sa girlfriend nitong si Andrea Brillantes.
May nagsasabi ring mag-on pa raw sina Blythe at Ricci ay pinopormahan na umano nito ang konsehalang beauty queen.
May nabasa kaming komento mula sa isang netizen na, “Last month pa lang yung birthday ni Ricci napansin ko hindi siya binati ni Blythe tapos nagpost si Ricci ng outreach program kasama si girl. Dun palang alam ko na eh kasi sobrang showy ni Blythe sa kanya tapos hindi sya magpopost?”
Pinost ni Leren Mae ang birthday celebration ng basketball player/actor at nilagyan ng caption.
“Happy birthday @riciirivero! Thank you for spending your birthday here in Los Banos. We appreciate your love and generosity to give back to our people. Mabuhay ka!
At may post din siyang, “As long as you’re happy who cares?”
Hindi nagustuhan ng netizens ang quote ng konsehalang beauty queen.
Binash nila ito.
“Anyare dito kay Leren? Ang cheap naman nung quote nya.”
“Ito yung mindset ng mga taong walang pakialam kahit may naaagrabyado.”
“Sa mga nagsasabing baka break na bago naging sila nung bago at walang cheating na nangyari, Star Magic ball is March 31, April sila pa then May 26, based jan sa picture eh kasama na yung girl. Kung one month ang ligawan stage nila ibig sabihin nasa relationship pa yung lalaki may tinitignan na yang ibang prospect,” analisa naman ng isang netizen.
“Kesehodang mang-agaw ka basta magiging masaya ka lang Leren? Ganun ba yon? At itong si Ricci naman simula’t sapol ggss na.”
“Feeling gwapo itong Ricci nga. Halata namang ginagamit lang si Andrea para sumikat eh. Pinangarap kasi netong mag artista kaso hopia hahahaha.”
“Eh hindi nga good catch itong guy eh. User pa nga.”
Isang netizen naman ang nagbuking na, “Wala naman ambag yan as konsehala dito samin sa Los Banos. Queenshala as she coined herself.”
“ate girl you’re literally in your 30s tapos councilor ka pa and then nakikisali ka pa sa drama ng mga GenZ . Kalokah….cougar!”
Si Ricci ay 25 years old at 30 naman si Leren.
***
ANDREA NANATILING TAHIMIK SA BREAKUP ISYU
Nakisimpatya ang kaibigan ni Andrea Brillantes sa breakup nito sa boyfriend nito na si Ricci Rivero.
Natanong si JC Alcantara, na close friend ng young actress na si Andrea Brillantes.
Kinumusta sa actor ang kalagayan ni Àndrea after her breakup sa basketball player na si Ricci.
Naging close ang dalawa nang ginagawa nila ang Drag You and Me kung saan isa rin sa bida ang young actress.
Ayon kay JC nung una raw ay hindi sila gaanong nag-uusap ni Andrea.
Pero, kalaunan habang tumatagal ang paggawa nila ng series ay nagkahulihan sila ng loob hanggang nagkukuwento na sila ng tungkol sa kani-kanilang pamilya at love life.
Nang tanungin si JC kung ano ang maibibigay niyang advice sa dalaga.
“Huwag mag-overthink.”
Kumusta na rin daw ang ang aktres after ng breakup nito kay Ricci.
“She is better at sobrang ini-enjoy niya lahat,” ani JC.
Dagdag pa ng aktor, “Sa ganda ni Andrea Brillantes hindi dapat niloloko ‘yon, dapat minamahal kasi alam mo nasa kanya na lahat.”
Hanggang ngayon tahimik pa rin si Andrea sa hiwalayan nila ng boyfriend.