Advertisers

Advertisers

90 ARAW NA AYUDA PARA SA MAYON EVACUEES, SASAGUTIN NG NAT’L AGENCIES

0 139

Advertisers

INATASAN ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang mga national agencies na balikatin ang 90 araw na relief assistance para sa mga residenteng apektado ng Bulkang Mayon.

Ayon kay PBBM, ito kasi ang tinatayang maximum period ng pag-aalburoto ng bulkan.

Sa ganitong paraan, sinabi ni Pangulong Marcos ay maiibsan ang pasanin ng mga local governments units (LGUs) sa pagtugon sa sakuna.



Sinabi ng Presidente na mahalagang may reserba o imbak na ayuda ang mga lokal na pamahalaan dahil baka may iba pang dumating na kalamidad tulad ng bagyo habang nag-aalburoto ang bulkan.

Samantala, sa ginanap namang situational briefing, tiniyak ni Secretary Rex Gatchalian na nakapag-dispatch na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 153,000 food packs para sa 90 day cycle sa lalawigan ng Albay bilang tugon sa kasalukuyang krisis. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">