Advertisers

Advertisers

READY NA SI PRINCE ALAO ET AL NG LA SALLE

0 178

Advertisers

MALAYO na ang narating ng dating musmos na naglalaro ng basketball sa makeshift halfcourt sa kanilang bakuran sa Antipolo.

Kalaunan ay sa konkretong covered wholecourt sa kanilang subdivision kung saan nakitaan na siya ng potensyal at mataas na interes sa larong basketball.

Wala siyang takot na makipagbanggaan sa mas malalaking kalaban kaya doon siya unang nahasa at tumibay sa larangan na tinatahak ang direksyon ng kanyang idol noong si Ka Ray na kanyang ama.



Lumawig ang future ng binansagang ‘the Prince’ na si Mur nang mapabilang siya sa San Beda boys team sa Cainta. Nakarating sa ibang bansa at napasama sa in vitational champion team na namayagpag sa Thailand.

Marami pang malalaking torneo na ang nasabak ni Mur hanggang ngayong naging varsity player ng Dela Salle Universitysa NCAA at latest itong PBA D-League.



Sa kasalukuyang Aspirants’ Cup,handa na si Mur Prince Alao at ang buong EcoOil La Salle team alinman sa dalawa pang semifinalists ang makakatunggali sa kampeonato ng PBA D- League.

Ang Green Archers ang unang pumitas ng tiket sa finals matapos nilang walisin sa serye ang University of Perpetual Help System Dalta sa best- of three,2-0.



Aantayin ng Taft-based cagers kung sino ang magwawagi sa protagonistang Wang’s -Letran at Marinerong Pilipino na tabla sa kanilang match-up ,1-1.

Kumamada ang Gilas boys, NBA junior, national juniors team standout na si Alao ng 22 puntos, 12 ang tinikada sa first half upang agad dumistansiya ang LaSalle, 28-13 sa opening period.

Lumobo pa ang kalamangan ng Green Archers sa 28 puntos tungo sa 108-91 tambakan at pag-usad sa finals.

Katuwang ni Alao sina JC Macalalang(11 pts),Kevin Quiambao,EJ Gollena,Bright Nwangkwo na bumirada ng tig-10 puntos,8 kay CJ Austria at 7 kay Ben Philipps.

Nanindigan naman sina Altas’Cyrus Nitura, John Abos, Christian Ragaran at Carlos Ferreras para sa kanilang losing cause.

“Thank you po Lord sa inyong biyaya at patnubay. Of course sa suporta ng management at buong Dela Salle community”, wika ng batang Alao.

Siya ang proud son ni dating commercial basketball star,shooter Ray Alao- VP ng namamayapag na Pilipinas Super League( PSL).

Good luck La Salle.MUR power the Prince..ABANGAN!