Advertisers

Advertisers

Senado hindi pa naisumite sa Malakanyang ang final copy ng Maharlika Bill

0 304

Advertisers

HINIHINTAY na lamang ang lagda ni Senate President Juan Miguel Zubiri bago ipadala ng Senado ang kopya ng inaprubahang Maharlika Investment Fund Bill sa Malacañang.

Ito ang inihayag ni Deputy Senate Majority Leader JV Ejercito dahil nasa Estados Unidos pa si Senate President Juan Miguel Zubiri at hindi pa malagdaan ang final copy ng panukalang MIF.

“‘Yung latest I know that the enrolled copy of the bill is already ready for the signature of the Senate President and then after which it will be transmitted already to Malacañang,” wika ni Ejercito sa isang panayam.



Aniya, tapos nang ayusin at linisin ang pinal na bersyon ng MIF Bill na ipapasa sa Palasyo para sa lagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.,

Dahil wala pa si Zubiri, inihayag ni Ejercito na isa sa ikinukonsidera ay ipadala ang kopya ng bill kay Senate Secretary Renato Bantug Jr., sa Estados Unidos upang malagdaan na ni Zubiri.



Tiwala rin si Ejercito na pag-aayos lang ng typographical error ang ginawa ng secretariat sa paglilinis ng MIF Bill at walang ibang binago.

Matatandaang sa huling kopya ng bersyon ng Senado ng panukalang batas, ang Section 50 ay nagsasaad ng 10 taon habang ang Section 51 ay nagtatakda ng 20 taon na kaparusahan sa mga magkakasala.



Tiniyak din niya na hindi binago ng Senate secretariat ang diwa ng panukalang batas na inaprubahan ng Mataas na Kapulungan. (Mylene Alfonso)