Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HINDI na itinago pa ng actress na si Rhian Ramos na minsan na silang nagkahiwalay ng bf na si Sam Verzosa.
Isiniwalat ni Rhian ang matinding dahilan ng kanilang split up ni Sam.
Nag start nga raw ‘yun nung pumasok sa politics si Sam.
Ang politics nga raw ang ugat ng break up nina Rhian at Sam at nag reconcile na lang after ng masinsinang pag uusap.
Dahil lumamlam na ang tamis at init ng kanilang pagmamahalan.
Hindi naman masabi na karibal nito ang politics sa buhay ng dyowa.
Maraming nag-akala na wala na sila at talagang tinapos na ang relasyon.
Pero dahil inupuan at nag usap na sila kaya ayun nagkabalikan ulit ang magdyowa.
Inamin ng Kapuso actress na mahalaga sa magkarelasyon ang communication na di dapat maputol.
Inihayag ni Rhian na di pa nila napag uusapan ang pag settle down ni Sam pero pasasaan ba raw at darating din sila diyan sa takdang panahon.
***
TVJ ibinida na 80% ng commercials bitbit nila sa TV5
MUKHANG pumapabor ang pagkakataon sa TVJ na bukod sa nilimas ay di sila nagtira sa mga suki nilang commercials load sa EB dati.
Sa paglipat ng TVJ at Legit Dabarkads sa TV5 ay sumama rin kina TVJ ang malalaking commercials na nagtiwala sa trio.
Sa pagbida ng TVJ halos 80% ng commercials nila dati sa TAPE Inc. ay bitbit nila sa bagong magiging tahanan ng trio.
Ano na nga raw ang mangyayari sa 20% na lang na natira sa kabila.
Kahit rating ay bulagta na ang New EB sa GMA 7 na tinalo na ng Its Showtime.
At dahil sa pagpabor ng panahon ay mga sitsit na tila mabibitbit din ng TVJ ang title na Eat Bulaga sa TV5.
Kaya pinagdedebatehan na ang title ng EB kung kanino mapupunta pero mukhang lumalamang ang TVJ na sa kanila mapunta ang titulong EB.
Kaya maraming abangers sa nalalapit na pagbulaga ng TVJ sa TV 5.
Well, well, well…’Yun na!