Unveiling at blessing ng bagong P. Burgos monument, pinangunahan ni Mayora Honey
Advertisers
PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang unveiling at blessing ng bagong monumento ni Padre Jose Burgos kamakailan.
Si Lacuna ay sinamahan nina Ferdinand Magellan Province Vice Supreme Master Sir Knight (SK) Anthony Nazario, Intramuros Administrator Atty. Joan Padilla, Padre Burgos Assembly Faithful Navigator SK Joey Balerite Lat, Manila Police District Director PBGen Andre Perez Dizon, at Chief of Staff Joshue Santiago sa nasabing unveiling na ginawa sa P. Burgos Street Manila noong June 19.
Si Padre Jose Apolonio Burgos y Garcia ay bahagi ng tatlong paring martir na GOMBURZA ( Gomez, Burgos at Zamora) na kinilala bilang bantay ng mga Filipinong kaparian noong panahon ng Kastila.
Samantala, may 50 dating mga child laborers na na-profiled sa Maynila ang tumanggap ng education at hygiene kits noong “Araw ng Kalayaan Para sa #BatangMalaya Project Angel Tree – Gift Giving Activity” na ginawa sa Dakota Playground, Quirino Avenue corner Asuncion St., Malate, Manila.
Ang nasabing gawain ay kaugnay ng selebrasyon ng ika-125 Taong Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan at World Day Against Child Labor.
Pinasalamatan ni Lacuna ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa nasabing proyekto na nagbigay benepisyo sa mga batang paslit sa Maynila. (ANDI GARCIA)