Advertisers
Ni JOVI LLOZA
JUNE 20 taong kasalukuyan nang magpalabas ng pahayag ang ABS CBN na di na nga mapapanood ang It’s Showtime sa TV5.
Dahil ito sa pagpasok ng TVJ na sa July 1 ay magsisimula na ang palabas ng Legit Dabarkads.
Sa pagpasok ng TVJ ay exit na ang It’s Showtime sa TV5 na 14 years na nagbigay saya sa Madlang Pipol.
Sa IG nga ni Vice Ganda ay nagsabi ito na marami na silang pagsubok na pinagdaanan at nakaya naman nila.
Ani pa ng netizens na ganun daw talaga pag may nagsara ay may magbubukas.
Sa parinig nga ni Vice ay nagpahiwatig na ito na lilipat at mapapanood sila sa GTV, sister company ng GMA-7.
At sa IG post nito ay emosyonal ang TV host-comedian sa pagbibigay mensahe sa rigodon sa noontime show.
Bukod sa GTV ay mawa-watch pa rin ang It’s Showtime sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant TFC.
Nagpasalamat naman ang Kapamilya sa TV5 at sa Chairman na si Manny Pangilinan dahil inoperan pa rin sila ng 4:30pm time slot na bagong oras na mapapanood sana ang It’s Showtime pero tinanggihan nila ito.
Nasanay na raw kasi ang tao na sa noontime napapanood ang It’s Showtime.
Kaya matinding pukpukan ito sa noontime ng dalawang Kapuso channel laban sa TV5.
***
TAPE Inc. ‘di payag na mawala ang titulong Eat
Bulaga
DOKUMENTO o papales ang magpapatunay na sa TAPE Inc. ang titulo ng Eat Bulaga.
Kaya ang Dabarkads ay excited na kung ano nga ba ang title ng TVJ sa TV5.
Kasalukuyan na ngang dinidinig sa korte kung kanino mapupunta ang title na EB.
Kahit pa nagpasaring si Bossing Vic Sotto na di sila papayag na ganun ganun lang na mapupunta sa iba ang EB.
Laban naman ang TAPE Inc. at handa raw sila at kumpleto sila ng papeles sa kabila na nagbigay babala na ang Jalosjos siblings na idedemenda nila ang gagamit ng titulong Eat Bulaga.
Sa ngayon di pa nga inihahayag ng TVJ at kampo nito kung ano ang magiging titulo ng kanilang noontime show.
Bubulaga na nga lang sa July 1 taon kasalukuyan ang titulo ng TVJ sa TV 5.
Kaya marami nang Maritess ang abangers sa gagamitin ng TVJ at ultimong TAPE Inc ay tututok din at aabangan ang titulong gagamitin ng TVJ.
Well, well, well…’Yun na!