Advertisers

Advertisers

Termite gang nilimas ang pawnshop sa Bulacan

0 203

Advertisers

TINATAYANG aabot sa halagang P1.5 million na pera at alahas ang natangay ng mga miyembro ng “Termite gang” sa Sinag Pawnshop sa Quirino highway, Barangay Sto. Cristo, San Jose del Monte, Bulacan.

Sa paunang imbestigasyon na tinanggap ni Officer-in- Charge Lt. Colonel Ariel Narboada, bandang 8:00 ng umaga ng Martes, Hunyo 20, 2023, nang madiskubre ng branch manager na si Maricel Fernando, 45 anyos, ng Poblacion Prenza ll, Marilao, Bulacan, ang pangyayari.

Ayon kay Maricel, laking gulat nya nang makita ang bukas na drawer at may malaking butas sa sahig ng pawnshop.



Nabatid sa imbestigasyon ng mga pulis na dumaan ang mga magnanakaw sa manhole na may habang 300 metro mula sa madamong bahagi ng kalsada.

Nasa 3 metro rin ang hinukay na butas ng mga magnanakaw bago narating ang pawnshop.



Winasak ng mga kawatan ang isang safe vault at isang mini safe vault ng pawnshop.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa krimen. (Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">