Advertisers
SINAMAHAN ng mga miyembro ng Surigao del Sur Provincial Police Office si Honey Faye Toyco sa court hearing sa kasong murder nitong Hunyo 22, 2023 sa Bislig City Regional Trial Court laban kay Rolly Mahilum, ang nakilalang bumaril-patay sa kanyang mister, Christopher ‘Chris Rapido’ Lozada, isang radio anchor ng DXBF sa Surigao del Sur noong October 24, 2017.
Si Toyco, kasama ng kanyang mister nang mangyari ang insidente, ay binaril din ni Mahilum pero masuwerte itong nakaligtas.
Si Mahilum ay dikit na supporter at family driver ng dating Bislig City mayor Librado Navarro.
Ang pagbinigay ng seguridad sa testigo tulad ni Ginang Toyco ay kasunduan ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) at ng Philippine National Police (PNP) para matiyak na mabigyan ng hustisya ang biktima ng pang-aabuso sa media.
Siniguro ni PNP Chief PIO at spokesman, Brigadier Geneneral Red Maranan, na gumagalaw para kay Chief PNP General Benjamin Acorda, at ni PTFoMS Usec. Paul Gutierrez, ang seguridad ni Ginang Toyco kahit ilang linggo pa bago ang kanyang pagdalo sa court hearings.