Advertisers
ISANG Kadete sa Philippine National Police Academy (PNPA) ang pinatalsik nang mapatunayan sa pagnanakaw, paglabag sa Honor Code na mahigpit na ipinapatupad sa akademya.
Ayon kay Police Major General Eric Noble, PNPA Director, ang nasabing kadete ay isang 2nd class cadet na pinatawan ng parusa ng Honor Committee dahil sa paglabag sa Honor code.
Nagpapakita ang nasabing insidente na seryoso ang PNPA sa pagpapahalaga ng Honor code na nagsisilbing “foundation” ng mga magiging “future officer” at lider ng Pambansang Pulisya.
Binigyaan diin ni Noble na hindi kukunsintihin ng Akademya ang sinoman na kadete na lalabag sa ipinaiiral o ipinapatupad na ‘code of conduct’ na maaaring maglagay sa alanganin ng bawat kadete.(Mark Obleada)