Advertisers

Advertisers

PBBM PALALAKASIN NG TODO ANG TURISMO NG PINAS

0 146

Advertisers

“MAGSILBING influencer at makiisa sa pagtupad ng layunin ng pamahalaan na gawing tourism powerhouse ang Pilipinas sa Asya.”

Ito panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino sa loob at labas ng bansa kasabay ng paglulunsad ng Department of Tourism (DOT) ng bagong slogan nito na #LovethePhilippines sa Golden Anniversary ng ahensya kamakalawa.

Nagpahayag din ang Presidente ng kanyang solidong suporta sa pagtataguyod ng sektor bilang isa sa mga haligi ng pambansang ekonomiya.



Kinilala rin ng Pangulo ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng kagawaran bunga ng mga naging tagumpay nito sa pagpapaunlad ng industriya ng turismo.

Kasabay nito, pinuri ni PBBM si Tourism Secretary Cristina Frasco at ang buong sa DOT team sa bagong branding na nailunsad nito, gayundin ang listahan ng mga target nitong gawin tulad ng pagsusulong ng mga produkto mula sa iba’t ibang rehiyon, infra projects para sa maalwan na pagbiyahe, at iba pa na naka-angkla aniya sa National Tourism Development Plan 2023-2028. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">