Advertisers

Advertisers

Ricci nakiusap, ‘wag idamay ang pamilya sa galit ng netizens; Buboy inamin, kaibigan ang nag-viral sa ‘Eat Bulaga’

0 218

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA panayam sa kanya ng GMA Network, inamin ni Buboy Villar na totoong kaibigan niya ang nag-viral na studio contestant, na sumali sa Ikaw Ang Pinaka, na segment ng noontime show nila na Eat Bulaga. Pero aniya, hindi scripted ito tulad ng paniniwala ng publiko.
Marami kasi ang nag-post sa social media na namukhaan nila ang kaibigan ni Buboy at sinabing kakilala nga ito ng binata dahil palagi itong lumalabas sa kanyang mga vlog sa YouTube.
“Well, talagang nasa script po ‘yung laro namin, kasi siyempre mahirap naman po ata ‘to, hindi naman po ito birthday lang na parang magsabi kami ng, ‘Bring me,’ ‘yun na po agad ‘yung laro namin.
“So aral po ‘yung mga laro namin dito, pero pagdating na po sa mga contestant ay hindi na po namin alam ‘yun,” simulang paliwanag ni Buboy.
Kasunod nito, sinabi nga ni Buboy na totoong kaibigan niya ang nasabing contestant, “Naawa rin po ako sa part ng contestant kasi fan ko po ‘yun, fan ko po ‘yun na sobrang sumuporta sa akin.
“Sa kabila ng mga taong nagsasabi ng masasakit na salita sa akin although okay lang naman po sa akin yun, tumatanggap naman po ako kasi opinyon ‘yun, e, sumuporta itong kaibigan ko na ‘yun.
“At sobrang saya ko dahil nandoon siya, nakita ko siya, at napili siya ng mga co-host ko rin, so the show must go on, pinaglaro siya. Lahat naman po puwedeng manalo e, sabi nga po namin sharing is caring and caring is winning,” aniya pa.
“Hindi ko alam na manonood siya ng Eat Bulaga. Hindi ko talaga expected kasi ang una kong gustong nandoon sa stage ay ‘yung nanay ko, siya ‘yung in-invite ko.
“Gusto ko saksi ‘yung nanay ko doon kasi unang-una po sa lahat, Eat Bulaga po ito part po ito ng history, tapos tutungtong po kami sa stage ng Eat Bulaga.”
***
DAHIL nadadamay na ang kanyang mga magulang sa nangyaring break-up nila ni Andrea Brillantes, kaya nagdesisyon na si Ricci Rivero na magsalita na sa Fast Talk With Boy Abunda noong Lunes ng hapon, June 26.
Sabi ni Ricci,”Umabot na po sa point na ‘yung parents ko po, nasisigawan na sa mall o sa public areas, ‘Yung anak niyo cheater!'”
Kung siya raw ay kayang tanggapin ang masasakit na sinasabi ng ibang tao laban sa kanya, nasasaktan siya kapag nasasaktan na ang kanyang pamilya.
“Kung ako kaya kong tanggapin kasi alam ko naman na hindi totoo.
“Pero kapag sa family ko, siguro it’s time to step up and kailangan ko silang protektahan sa mga issues na meron. Ako, okay lang, pero huwag yung pamilya ko.”
Ikinwento ni Ricci kung kelan sila naghiwalay ni Andrea.
“April 2023 we took a break off from each other, tapos ‘yung breakup was first week of May talaga.
“Marami na rin po kaming sinusubukang ayusin na problema.
“Ang cause ng breakup, ‘yung speculations na kumakalat sa social media na may nakita siyang girl dun sa place ko.
“Pero ilang beses po naman naming pinag-usapan ito. Sobrang daming beses.
“Sinabi ko sa kanya with all the evidences I have, na hindi sa akin ‘yung girl. May papuntang friend ako ng midnight tapos hindi ko naman alam na may kasama siya. ‘Yun ang inabutan niya [Andrea].”
Naayos naman daw ang problema sa pagitan nina Ricci at Andrea dahil napagtanto ng young actress na mali ang kanyang hinala. Kahit hiwalay na, nagkikita at nag-uusap pa rin daw sila ni Andrea.
“Nagkikita pa rin kasi maayos talaga yung breakup namin. Naiintindihan niya. Alam niya na hindi ko ginawa yung sa breakup lamang.”
Sa pagkaka-link niya kay Laguna Councilor Leren Bautista, sabi ni Ricci ay wala siyang gusto rito at hindi niya ito nililigawan.
Tungkol naman sa sinasabi ng iba, lalo na ang mga tagahanga ni Andrea na ginamit lamang niya ang dalaga, ayon kay Ricci ay wala itong katotohanan.
“Sa akin po, kung ginamit ko po siya, marami naman pong offers yung ABS-CBN, interviews with her, shows with her. And simula po noong naging kami, never akong nag-yes.
“Kasi ayoko naman po na parang i-connect yung trabaho sa personal relationship. Sa akin, sobrang genuine lang ang lahat.
“Wala sa isip ko yung mga ganyan kasi parang minsan lang akong mag-girlfriend, bakit sa ganyang paraan ko gagawin?”