Advertisers

Advertisers

Mag-asawang mayor at vice mayor sa Batangas inireklamo sa Ombudsman

0 138

Advertisers

PINASASAGOT ng Office of the Ombudsman sina Lobo, Batangas Mayor Lota L. Manalo at kanyang mister na si Vice Mayor Gaudioso Manalo sa reklamong isinampa ng isang korporasyon na nag-aakusa ng paglabag sa Republic Act No. 3019, Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at Anti-Red Tape Act.

Sinabi sa reklamo na ang mag-asawang respondents, kasabwat ang Municipal Treasurer Leandro M. Canuel, ay patuloy na ‘di tinatangkilik ang application ng Efren Ramirez Construction Corporation para sa renewal ng kanilang business permit at iba pang permits na kailangan sa kanilang operasyon.

Sinabi pa sa reklamo na matapos manalo sa 2022 elections, nagtangka si Mayor Manalo na manghingi ng “grease money” mula sa korporasyon kapalit ng pag-apruba sa renewal ng applications na may kaugnayan sa legal dredging operations sa ilog ng munisipalidad.



Pero nang tumanggi ang may-ari sa demand, ginipit na sila ng mayor at vice mayor sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga sulat at pagpapatupad ng labis-labis na mga bayarin, sa kabila ng pagtanggi nila base sa legal grounds.

At para masaktan pa ang interest ng korporasyon, ibinigay ni Mayor Manalo ang dredging operations sa ibang kompanya ng ‘di dumaan sa proseso ng public bidding.



Ang respondents ay binigyan ng sampung araw pagkatanggap sa complaints para magsumite ng kanilang mga sagot, utos ng Ombudsman.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">