Advertisers

Advertisers

‘Container deposit’ iniipit ng ilang shipping lines

0 102

Advertisers

Umalma na ang mga importers at brokers sa kanilang mga nararanasan sa ilang mga shipping lines partikular na ang isyu sa container deposit.

Ayon kay Danny Sta Maria, isa sa mga representante ng mga brokers sa bansa, na standard practice na ng mga shipping lines ang maningil ng mga shipping charges tulad ng container deposit na dapat refundable kapag naibalik na ang empty container.

Mayroon naman mga shipping lines na hindi na naniningil ng container deposit.



Sinabi ni Sta Maria, na dati sa loob lamang ng tatlong araw naibabalik na ito kapag isinumite na nila ang kanilang mga request para ibalik ang kanilang deniposito ngayon inaabot na ng 2 hanggang 3 buwan na dahilan para matengga ang kanilang mga pera sa shipping lines, na ang ilan sa mga maliliit na importers at brokers kailangan ang nasabing deposito para maipaikot sa kanilang mga puhunan.

Ayon kay Sta Maria, hindi alam ng mga brokers kung bakit hindi kaagad binabalik ng mga shipping lines ang kanilang mga containers deposits.



“Minsan iniisip na lang namin na baka idineposito nila ito sa bangko dahil kung pagsasama-samahin ang halaga ng container deposits na kanilang nakokolekta aabutin ito ng milyones at magkakaroon ito ng malaking interest sa bangko,” wika ni Sta Maria.

Aniya, hindi naman sila tumututol sa nasabing containers deposits nais lamang nilang maibalik ito sa tamang oras.



Paliwanag ni Sta Maria, na dahil hindi agad ibinabalik ang kanilang deposito kahit naibalik na nila ang mga empty container, nagpapabigat ito sa mga importer at broker na maari nilang ikarga sa ‘cost of commodity’ na ang unang maapektuhan at tatamaan naman ang mga consumers.

Nais manawagan ng mga importers at brokers sa Kongreso na gumawa ng aksyon na magkaroon ng isang ahensiya ng pamahalaan na mag-re-regulate sa mga naturang mga shipping lines para sa kanilang mga container deposit.

Pinalagan din mga mga importers at brokers ang ilang tauhan ng Customs na tumatanggap ng lagay para mailabas ang mga kargamento kaya’t doble ang kanilang gastos.

Hindi naman tahasang pinangalan nila Sta Maria ang umano’y magkapatid na sangkot sa pangongotong. Kaya isa rin ito sa nais nilang ipanawagan sa dalawamg kapulungan ng Kongreso na imbestigahan ‘in aid of legislation’ para mapangalanan.