Advertisers
INAMIN na ng 70-anyos na lola na siya ang pumaslang sa kanailang kasambahay na si Sheila Lagsaway sa Davao City, na nakita ang bangkay na iniwan sa gilid ng daan noong June 18.
Kinilala ang lolang salarin na si Nenita Pagatpatan.
Base sa pahayag na inilabas ng pulisya, nakonsensya si Lola Nenita dahil walang alinlangan itong umamin sa nasabing krimen.
Ayon kay Davao City Police Office Spokesperson, Captain Hazel Tuazon, noong Linggo pinasok ng SOCO ang bahay ng salarin sa Deca Homes, Cabantian, Davao City. Narekober rito ang 2×3 coco lumber na may habang isang talampakan na ginamit ni Pagatpatan sa pagpalo sa ulo ng biktima, gayundin ang cell phone ng biktima.
Dagdag pa ni Tuazon, ipinaliwanag din ng salarin na hinampas nito ang ulo ng biktima gamit ang kahoy, habang nagdidilig ito ng bulaklak sa kanilang bakuran Hunyo 17, 2023.
Matatandaang 6:30 ng umaga, natagpuan ang bangkay ng biktima hindi kalayuan sa kanilang bahay sa Block 20, Lot 44, Deca Homes, o 20 metros ang layo galing sa bahay ng salarin Hunyo 18.
Sinabi ni Tuazon, idinahilan ng salarin na nagawa niya ang krimen nang mapagalitan niya ang biktima.
“Nasuko ang suspek sa maong katabang kay kung kasab-an, ang katabang musumbong sa anak sa suspek, ang anak sa suspek istoryahan ang iyang mama,” ani Tuazon.
Positibo rin nakilala ang salarin base sa nakuhang CCTV footage sa lugar.
Nakita sa CCTV si Pagatpatan na may hinihilang mabigat na bagay nakabalot sa trapal at nakasakay sa trolley.
Umaga ng June 18 nang makita ang duguang katawan ni Lagsaway ilang metro ang layo mula sa bahay nina Pagatpatan.
Sinampahan na ng Murder ang lola.