Advertisers

Advertisers

Nilarong granada sumabog: 2 patay, 1 sugatan

0 114

Advertisers

NASAWI ang dalawang binatilyo at sugatan ang isa pa nilang kaibigan nang sumabog ang rifle grenade na pinaglalaruan sa Ino­pacan, Leyte, Martes ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Baybay City Immaculate Conception Hospital ang mga biktimang sina Robert Degorio, 16 anyos; at Alfred Alva, 18; habang sugatan si Gleen Miguel Accion, 19.

Nangyari ang insidente 8:30 ng gabi sa bahay ng mga Degorio sa Sitio Tawid, Barangay Tinago, Inopacan.

Ayon kay Inopacan Police chief, Capt. Daisy Hallasco, nakarinig ng pagsabog ang mga kapitbahay ni Degorio kaya agad silang tumawag ng pulis at nakita nilang duguan ang mga biktima.

Nauna rito, tinawag ni Degorio ang kanyang mga kaibigan sa kanilang bahay upang ipakita ang rifle grenade at kinalikot.

Pilit na pinapasok ni Degorio ang rifle grenade sa PVC pipe upang gawing barrel.

Subali’t hindi nagkasya ang rifle grenade sa PVC kaya pinukpok ito ni Degorio at sumabog, napuruhan siya at mga kaibigan.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis kung saan nakuha ni Degorio ang rifle grenade.