Advertisers

Advertisers

P2.4m shabu nasabat sa parking lot ng mall

0 142

Advertisers

NASABAT ang mahigit sa P2.4 milyong halaga ng shabu sa dalawang big-time drug pushers sa buy-bust operation sa parking lot ng isang kilalang mall sa Bacoor City, Cavite.

Arestado ang dalawang suspek na nakilalang sina Abs Akmad Pakiang alias “Boss”, at Asraf Rajamuda Saban; kapwa high value target (HVT) ng pulisya.

Sa ulat, 11:35 ng umaga ng Biyernes nang ikasa ng pinagsanib na puwersa ng RPDEU-4A, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU)-Cavite Provincial Police Office, Bacoor City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-4A, ang buy-bust operation laban sa mga suspek.



Nasamsam sa operasyon ang 7 selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng mahigit 350 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,415,000.

Nakumpiska rin sa dalawa ang isang plastic bag; isang paper bag, 2 cellphones (Nokia at Vivo), 4 bundles ng tig-P1,000 boodle money na P399,000, at P400,000 buy-bust money.



Kinumpiska rin ang gamit na sasakyan ng mga suspek na isang pulang Toyota Vios (NDB 2028).

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">