Advertisers
TRENDING ngayon sa Twitter ang reports mula sa mga titser, na hiniling sa kanila ilagay ang portrait ng DepEd Secretary, Vice President Sara Duterte-Carpio, sa kanilang classrooms.
Ang usual practice ay idini-display ang portrait ng DepEd Secretary sa tanggapan ng principal lamang.
Para sa akin naman, dalawang bagay kung bakit pinadi-display ang portrait ni Sara sa classrooms: Una, dahil siya’y Bise Presidente ng Pilipinas; at pangalawa ay para maikintal sa isipan ng mga mag-aaral na si Sara ang secretary ng Department of Education.
Pero para sa may malisyosong pag-iisip, sasabihing ang pag-display ng portrait ni Sara sa classrooms ay in aid for 2028 Presidential Election. Hehehe… Papayag kaya rito ang “Super Ate” ni Pangulo “Bongbong” Marcos, Jr. na si Senadora Imee?
Tantiya kasi ng mga political analyst ay itong sina Sara at Imee ang mahigpit na maglalaban sa presidential derby sa 2028. Boom!
***
Iniutos ni Pangulong Marcos, Jr. ang pagbibigay ng housing assistance sa mga sinalanta ng bagyong Egay.
Ayos ito, Mr. President!
Ang tanong lang: Kailan ibibigay ang tulong financial na yan? Baka naman abutin pa ng taon ito? At sana sa talagang nawasak ang bahay ito ipagkaloob, hindi sa mga opisyal o kamag-anak ng barangay na buo naman ang bahay.
Kaya ko nasabi ito dahil maraming beses na nangyari na sa tuwing mag-release ng financial assistance ang national goverment para sa mga nawalan ng bahay dahil sa bagyo ay inaabot ng maraming taon bago maibigay ang ayuda at sa maling mga benepisyaryo pa! Mismo!
Babantayan natin ito!
***
NAPAKATALAMAK yata ng iligal na droga sa Cebu. Halos araw-araw ay may mga nahuhuli sa drug-buy bust ng pulisya. Kilo-kilo!
Nitong Linggo lang ng gabi, napanood ko sa live coverage ng isang local media. Isang nangangalakal ang nahulihan ng 5.5 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P37 million!
Mantakin mo nangangalakal lang ng basura bigtime drug pusher pala. Ito’y nakilalang si Robert Fernan, 31 anyos, na nahuli sa Sitio Kawayanan, San Roque, Talisay City, Cebu.
Ayon sa hepe ng Talisay City Police, ang suplay ng droga ni Beltran ay nanggagaling sa contact nya sa isang bilangguan. Tsk tsk tsk…
Dati na raw nakulong itong si Beltran sa kaso ng droga. Pero nakalaya matapos pumasok sa bargaining plea.
Pansin ko na halos lahat ng nahuhuling bigtime drug pushers sa Cebu, ang suplay ay sinasabing nanggagaling sa bilangguan.
Pero lilinawin natin. Hindi sa loob ng bilangguan nanggagaling ang suplay ng shabu kundi yung kontak ng pusher ang nasa kulungan. Tapos itong bilanggo ang kokontak sa supplier ng shabu sa labas. Sa madali’t salita middleman ang bilanggo.
Kaya dapat talaga ipagbawal ang gadgets partikular cellphone sa mga bilanggo para mawalan ito ng communication sa labas.
Papayagan lamang makahawak ng cellphone ang bilanggo in case of emergency pero dapat naririnig ng jail guards ang pinag-uusapan at kung sino ang kausap nito.
Say n’yo, mga pare’t mare?