Advertisers

Advertisers

Totoy, ginahasa ng bading sa gilid ng tindahan

0 225

Advertisers

GINAHASA ng bakla ang isang batang lalaki sa gilid ng convenience store sa kasagsagan ng hagupit ng bagyong Egay sa San Jose Del Monte City, Bulacan.



Kinilala ang suspek sa alyas JV, 26 anyos, residente ng Purok 2, Brgy. San Martin 1.

Itinago naman ang biktima sa pangalang Junjun, 8, grade 3 student, ng Brgy. Bagong Buhay 1 ng naturang lungsod.

Sa report ng SJDM Police, nangyari ang insidente 11:30 ng umaga ng Hulyo 28.

Ayon sa report, bibili ng snack ang bata nang tawagin at yayain ng bading sa gilid ng naturang tindahan at hinaltak pababa ang salawal ng biktima at paulit-ulit na isinubo ang ari nito.

Sa takot, nagpumiglas ang bata, itinaas ang kanyang salawal at tumakbo pauwi at agad nagsumbong sa kanyang ina.

Kaagad humingi ng saklolo ang ina sa mga awtoridad, na agad rumesponde sa lugar at nahuli ang suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong Rape By Sexual Assault.