Advertisers

Advertisers

Brgy. kagawad at anak patay sa ambush

0 137

Advertisers

NASAWI ang isang barangay kagawad at anak nito sa pamamaril sa Purok 5, Lambayao Kibia, Matalam, North Cotabato, Linggo ng gabi,

Kinilala ang mga nasawi na sina Anwar Salem Sr, Barangay Kagawad sa Arakan, Matalam; at anak nitong si Anwar Salem, Jr.

Agad na namatay sa mga tama ng bala sa ulo at katawan si Salem, Sr., habang ang anak ay nalagutan ng hininga habang ginagamot sa ospital.



Sa ulat, magkaangkas ang dalawa sa isang motorsiklo patungo sa poblacion ng Matalam nang tambangan ng mga armadong lalaking nakapuwesto sa gilid ng kalye.
Inaalam pa ng mga imbestigador ng Matalam Municipal Police Station kung sino-sino ang mga nang-ambush sa mag-ama.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.