Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MISMONG sa IG ni Rendon Labador, ang motivational speaker, ay nagulat at natakot daw ito nang marinig at makita na nagpaparunggit.
Nag-ugat daw ito nang makialam at makisawsaw si Rendon sa mga artistang sa tingin nito ay mali ang ginagawa.
Kaya sa parunggit ni Cristy Fermin kay Rendon ay wala na nga raw tigil ito sa pakikialam at pakikisawsaw sa mga isyu.
Una na nga nitong napansin ang subuan ng icing nina Vice Ganda at Ion Perez.
Kinalampag pa nito ang MTRCB.
Sinunod naman nitong birahin si Tito Sen kaya nang makita ni Rendon at marinig ang parunggit ni Cristy, nasabi nito na buhay pa raw pala ang anchor.
***
ISA naman sa hinangaan kay Sunshine Cruz ay ang kanyang pagiging understanding sa kabila ng pagtataksil ng dating asawa ay nagawa pa rin nito na maka-bonding ng kanyang mga anak.
Ayon nga kay Sunshine, ang sigalot daw nila ni Cesar Montano ay para sa kanilang dalawa lang.
At wala naman kinalaman ang kanyang mga anak.
Nakikita ni Sunshine na mahal na mahal ng kanyang mga anak si Cesar.
Paglalahad pa ni Sunshine na never niyang tinuruan ang kanyang mga anak na magalit sa kanilang ama.
Kaya nga pinuri ng netizens sa pagiging maunawain at pasensyosa at isa nga raw mabuting ina si Sunshine.
Naikumpara pa ng netizens si Sunshine na ang layo nga raw kay Marjorie Barretto.
Hanggang ngayon si Dennis Padilla ay nagsusumamo na makapag-usap sila ng kanyang mga anak.
Kaya napakasuwerte nga raw ni Buboy na mayroon itong ex dyowa na understanding.
Well, well, well…’Yun na!