Advertisers

Advertisers

AWAYANG TANSINGCO-LAOGAN SA BUREAU OF IMMIGRATION

0 152

Advertisers

Usap-usapan ngayon sa hanay ng mga taga-Bureau of Immigration (NBI) ang tila kiskisang nagaganap sa pagitan ni BI Commissioner Norman Tansingco at ng katatalaga lamang na BI Deputy Commissioner na si Daniel Laogan.

Ito ay matapos ma-quote si Laogan sa isang pahayagan na diumano, sinabi nito na plano ng BI na magkaroon ng amnesty program para sa mga illegal aliens sa bansa, na aniya ay kinabibilangan ng mga Tsino, Indians at Koreans.

Lumalabas, hindi nakipag-ugnayan si Laogan sa tanggapan ni Tansingco bago nagbigay ng interview.



Ito ay dahil nagpalabas naman ng press statement ang tanggapan ni Tansingco na nagsasabing “unauthorized and baseless” ang lumabas na balitang tungkol sa amnesty kung saan nga ay si Laogan ang naka-quote na nagsasalita.

Sinabi pa umano ni Laogan na ang naturang planong amensty para sa illegal aliens sa bansa ay naka-draft na ang proposal at naisumite na sa Department of Justice (DOJ).



Mariing pinabulaanan ni Tansingco na me ganoong proposal lalo pa, na nai-submit na ito sa DOJ.

Niliwanag din niya na ang BI ay isang ‘implementing agency’ at ang pagbibigay ng amnestiya ay kakailanganin pa ng isang bagong batas na dapat ay maipasa ng Kongreso.



Ukol sa sinabi umano ni Laogan na ang projected income ng pagbibigay ng amnestiya ay aabot ng P2 billion mula sa penalties at fines at mayroon umanong 500,000 illegal aliens na kasalukiyang naninirahan sa bansa, mariin din itong pinasinungalingan ni Tansingco.

Ayon sa BI chief, walang basehan ang mga pigurang pinakawalan ni Laogan at hindi rin umano ito awtorisado para magpahayag ng kanyang mga sinabi.

Si Laogan, na siyang pinakahuling Deputy Commissioner na nai-appoint sa BI ay dati ring Pangulo ng Chinese Filipino Business Club Inc. at Senior Adviser ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc.

Ani Tansingco, ‘careless’ umano ang mga pahayag na binitiwan ni Laogan at sa katunayan, ngayon pa lamang umano ay nakatanggap na sila ng impormasyon na may mga lokong grupo nang nagbebenta ng mga ‘slot’ para sa amnesty at ang bentahan umano ay nagaganap sa pamamagitan ng social messaging apps.

“Hence we reiterate that no such thing is on the table,” pagbibigay-diin ni Tansingco, na napag-alamang nasa Thailand bilang head ng Philippine delegation sa isang ASEAN meeting of immigration departments and heads of consular affairs nang maglabasan ang balita ukol sa amnestiya.

Wala akong kinakampihan sa dalawa pero sa ganang akin, mukhang may punto si Tansingco.

Una sa lahat, dapat na may koordinasyon o basbas sa tanggapan ng hepe bago mag-isyu ng anumang statement ang mga nasa ibaba lalo pa’t sensitibo ang isyu na gaya ng amnestiya.

Hindi rin maganda ang timing ng pagpapalabas ng isyu ng amnestiya habang nasa wala sa bansa ang hepe ng BI.

Me mali talaga sa panig ni Laogan, kung totoo ngang siya mismo ang nagbigay ng mga nasabing pahayag.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.