Advertisers
Nababahala ang mga negosyante ng Park Developer Hillsdale Summit Subdibisyon sa Angono, Rizal dahil balak na naman ito sabutahiin at atakihin ng mga tauhan ng isang sindikato.
Nang lagyan ng mga panambak na lupa at iharang ito sa kalsada at mga bubog na kinalat para hindi makapasok ang mga namamasyal na may dalang mga sasakyan na gustong magpahangin sa overlooking na lugar at nagpapalipas ng oras.
Ayon sa reklamo ng mga negosyante maraming beses na silang sinasabotahe ng naturang grupo kapag hindi sila nakakapagbigay ng intelihensiya.
Anila, nagbibigay umano sila ng buwanan ‘tara’ para hindi sila perwisyuhin at takutin nang nagpapakilang tauhan ng munisipyo, sa dahilan nalaman nila ang developer ng nasabing subdibisyon nabankarote at inabandona na ito.
Sinabi pa ng mga nasabing negosyante na pinoproteksyunan umano ito nang nagpapakilang mga opisyal makaraan malaman na abandonado na ang nasabing subdibisyon.
Nangangamba umano ang mga negosyante dahil anuman oras sasalakay ang nasabing grupo para harangan at lagyan bato ang gate para walang makapasok sa nasabing over looking na pasyalan ng Angono at karatig bayan.
Nararamdaman ng mga nasabing negosyante na gustong patayin ang kanilang hanapbuhay ng mga armadong kalalakihan at ang kanilang ikinalulungkot pinoprotektahan umano ito ng mga opisyales ng nasabing bayan.
Hindi rin alam ng mga naturang negosyante kung saan sila lalapit sa dahilan hindi sila pinapansin ng mga taga barangay at kapulisan kapag nagsusumbong sila sa ginagawa ng sindikato sa kanila.
Sinisingil rin umano ang mga pumapasok na mga sasakyan pero natigil ito ng mabulgar na hawak ng mga politiko sa nasabing bayan. Lumapit ang mga nasabing negosyante sa media upang iparating ang kanilang mga hinaing.
Katunayan nagbabayad rin umano sila ng buwis at may kaukulang business permit kaya nais nilang ipaabot sa mga kinauukulan para maresolba ang kanilang mga problema.