Advertisers

Advertisers

Plantasyon ng marijuana sinira sa Maguindanao del Norte

0 56

Advertisers

Nakakumpiska ng mahigit 300 na puno ng marijuana ng mga kasapi ng Matanog Municipal Police Station sa isang operasyon sa Sitio Bago Enged sa Barangay Bayanga Norte sa Matanog, Maguindanao del Norte nitong Sabado, September 9, 2023.

Ang naturang operasyon, nag-resulta din sa pagkakaaresto sa isang nagngangalang Kamaludin Binansao Maradting na itinuturo ng mga residente ng Sitio Bago Enged na siyang nagtanim ng mga marijuana na nasamsam ng mga pulis na pinamumunuan ni Lt. Renante G. Dagasdas, hepe ng Matanog MPS.

Kinumpirma nitong Linggo ni Dagasdas na nasa kustodiya na nila si Maradting at ito ay kanilang kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, gamit ang ilang pirasong marijuana specimen na kanilang tinipon bago sinunog ang mahigit sa 300 na mga puno ng pinagbabawal na tanim.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">